Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hul. 15
“Sa palagay mo, magkakaroon pa kaya ng isang pamahalaan na lulutas sa mga problema ng tao? [Hayaang sumagot.] Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na ipanalangin ang pagdating ng pamahalaang iyon sa Mateo 6:9, 10. [Basahin.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit ang Kaharian ng Diyos ay nakahihigit sa mga pamahalaan ng tao at binabanggit nito ang mga pagpapalang idudulot nito sa atin.”
Gumising! Hul.
Kapag may nakausap kang kabataan, puwede mong sabihin: “Marami sa kaedad mo ang nag-iisip nang mag-asawa. Sa palagay mo, saan ka kaya makakakuha ng maaasahang impormasyon tungkol dito? [Hayaang sumagot.] Pansinin mo kung sino ang nagpasimula ng pag-aasawa. [Basahin ang Mateo 19:6.] Binabanggit ng magasing ito ang ilang simulain sa Bibliya na tutulong sa atin na magtatag ng maligayang pag-aasawa.”
Ang Bantayan Agos. 1
“Karaniwan na lamang ngayon ang mga taong nagmamaltrato sa iba. Sa palagay mo, mababago kaya ito kung mas maraming tao ang susunod sa mga salitang ito ni Jesus? [Basahin ang Mateo 7:12. Saka hayaang sumagot.] Ipinakikita ng magasing ito kung paano mabibigyan ng dangal ang tao ayon sa Bibliya.”
Gumising! Agos.
“Gusto nating lahat na mapangalagaan ang ating kalusugan. Alam mo ba na marami nang doktor ngayon ang nagdadalawang-isip kung magsasalin sila ng dugo o hindi? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang dahilan. Ipinaliliwanag din nito mula sa Bibliya kung bakit mahalaga sa Diyos ang dugo.” Basahin ang Levitico 17:11.