Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hul. 15
“Sa libu-libong taon ng kasaysayan ng tao, napakaraming paniniwala ang nabuo ng sangkatauhan. Sa palagay mo kaya’y posibleng malaman kung alin ang tama at kung alin ang mali? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito kung saan mo masusumpungan ang tamang mga turo na nakalulugod sa Diyos.” Basahin ang 2 Timoteo 3:16.
Gumising! Hul. 22
“Napakalungkot makita ang pagdurusang idinudulot ng likas na mga kasakunaan. [Banggitin ang isang halimbawang napabalita sa inyong lugar.] Sa palagay mo kaya’y dumadalas ang gayong mga kasakunaan? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang tanong na iyan. Nagbibigay rin ito ng kaaliwan sa mga namatayan ng mahal sa buhay sa gayong mga trahedya.” Basahin ang Juan 5:28, 29.
Ang Bantayan Agos. 1
“Maraming tao sa ngayon ang nakadarama na wala silang halaga. Sa palagay mo, paano kaya sila matutulungan? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano matutulungan ng Bibliya ang gayong mga tao na makasumpong ng tunay na kagalakan.” Itampok ang mga tekstong may makakapal na titik at nakaitaliko sa artikulong “Matutulungan Ka ng Bibliya na Magkaroon ng Kagalakan.”
Gumising! Agos. 8
“Maraming tao ang namumuhay sa takot. Ano sa palagay mo ang dahilan ng ganitong laganap na takot? [Hayaang sumagot.] Ang magasing ito ay nagbibigay ng praktikal na mga mungkahi upang maipagsanggalang natin ang ating sarili mula sa karaniwang mga panganib. Tinatalakay rin nito ang pangako ng Bibliya hinggil sa isang daigdig na wala nang takot.” Basahin ang Isaias 11:9.