Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hulyo 15
“Napapansin ng marami na nahihilig ang mga tao na ibukod ang kanilang sarili mula sa iba. Sa palagay mo ba’y matalinong landasin ito? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang matalinong kasabihang ito hinggil sa kahalagahan ng pagsasamahan. [Basahin ang Eclesiastes 4:9, 10.] Tinatalakay ng magasing ito kung bakit kailangan nating lahat ang iba at kung paano malulutas ang problema sa pagbubukod sa sarili.”
Gumising! Hulyo 22
“Nag-aalala ang maraming tao dahil napakadaling makakuha ng pornograpya. Sa palagay mo ba’y dapat itong ikabahala? [Hayaang sumagot.] Ang praktikal na payo na masusumpungan sa Bibliya ay makapagsasanggalang sa atin. [Basahin ang Efeso 5:3, 4.] Ipinakikita ng magasing ito kung paano natin maiingatan ang ating sarili mula sa unti-unting pamiminsala ng panganib na ito.”
Ang Bantayan Agos. 1
“Alam mo ba na ayon sa isang ulat, mahigit sa kalahati ng populasyon sa daigdig ang nabubuhay sa halagang wala pang $2 bawat araw? Sa palagay mo ba’y may anumang magagawa para malunasan ito? [Hayaang sumagot.] Tinutukoy ng isyung ito ng Ang Bantayan ang permanenteng solusyon sa karalitaan gaya ng nakasaad sa Bibliya.”—Basahin ang Awit 72:12, 13, 16.
Gumising! Agos. 8
“Nitong nakalipas na mga taon, ang mga sakuna na sanhi ng lagay ng panahon ay nagdulot ng malawakang pinsala sa daigdig. Ano sa palagay mo ang maaaring gawin upang maibsan ang pagdurusa na idinudulot nito? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang problema hinggil sa pabagu-bagong lagay ng panahon gayundin ang solusyon na sinasabi ng Bibliya.”—Basahin ang Isaias 35:1.