Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hul. 1
“Sa palagay ninyo, posible kayang magkaroon ng malapít na kaugnayan sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang hamak na mga tao? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Gawa 17:27.] Tinatalakay ng magasing ito kung bakit tayo makatitiyak na gusto ng Diyos na maging malapít tayo sa kaniya.” Itampok ang artikulo sa pahina 10.
Gumising! Hul.
“Makikita sa maraming libangan sa ngayon ang lumalaking interes sa okulto. Sa palagay ninyo, wala kayang masamang epekto kung magsasagawa tayo ng okultismo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Deuteronomio 18:10-12.] Ipinakikita ng artikulong ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa mga panganib ng espiritismo.” Itampok ang artikulo sa pahina 10.
Ang Bantayan Agos. 1
“Marami ang nawawalan ng pag-asa tungkol sa kinabukasan ng lupa dahil sa malulubhang isyung pangkapaligiran. Ano ang nadarama ninyo tungkol dito? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Awit 37:11.] Itinatampok ng magasing ito ang ilang dahilan mula sa Kasulatan para magkaroon tayo ng pag-asa.”
Gumising! Agos.
“Kumbinsido ang marami na isinasapanganib ng pag-init ng globo ang buhay sa ating planeta. Sa palagay ninyo, paano kaya malulutas ang bagay na ito? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Isaias 11:9.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit tiyak na mananatili ang lupa bilang tahanan ng mga tao.”