Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hulyo 1
“Kung minsan, hindi natin alam kung ano ang sasabihin sa isang kaibigang may malubhang sakit. Ano ang masasabi mo sa payong ito? [Basahin ang Santiago 1:19. Hayaang sumagot.] Ang artikulong ito ay nagbibigay ng mga mungkahing salig sa simulain ng Bibliya.” Ipakita ang artikulo sa pahina 10.
Gumising! Hulyo
“Dapat bang maging ministro ang mga babae? [Hayaang sumagot.] Ganito ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa isang babae. [Basahin ang Roma 16:1.] Pero may talata namang nagsasabi na dapat manatiling tahimik sa kongregasyon ang mga babae. Kaya ano ang pangmalas ng Bibliya? Ipinaliliwanag iyan sa artikulong ito.” Ipakita ang artikulo sa pahina 28.
Ang Bantayan Agosto 1
“Natatakot ang marami na mapipinsala o mawawasak ang lupa dahil sa nuklear na digmaan o pagbabago ng klima. Mangyayari kaya iyon? [Hayaang sumagot.] Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Bibliya. [Basahin ang Apocalipsis 11:18.] Apat na tanong tungkol sa katapusan ng daigdig ang sinasagot ng magasing ito.”
Gumising! Agosto
“Malamang na may nakausap na kayong mga Saksi ni Jehova. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit patuloy pa rin kaming nagbabahay-bahay kahit na karamihan ay hindi naman interesado? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Mateo 24:14.] Marami ang may maling palagay sa amin. Ipinaliliwanag ng magasing ito kung sino ang mga Saksi ni Jehova.”