Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hulyo 1
“Sa palagay ninyo, posible pa kaya tayong magkaroon ng kapanatagan kahit ganito kagulo ang daigdig? [Hayaang sumagot.] Tingnan po natin ang sinasabi ng Bibliya sa Filipos 4:6, 7. [Basahin.] Ipinaliliwanag po ng artikulong ito kung paano natin mararanasan ang kapayapaang nagmumula sa Diyos.” Ipakita ang artikulo sa pahina 10.
Gumising! Hulyo
“Karamihan sa atin ay nagpapasalamat sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang. Masasabi kayang wala tayong utang na loob kung susuriin natin ang relihiyong itinuro nila sa atin para alamin kung tama ba ito o mali? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang 1 Juan 4:1.] Ipinakikita po ng artikulong ito kung mali ang magpalit ng relihiyon.” Ipakita ang artikulo sa pahina 28.
Ang Bantayan Agosto 1
“May nagsasabi na ang mga relihiyon daw ay iba’t ibang daan lamang pero patungo rin lahat sa iisang Diyos. Kung kayo po ang tatanungin, lahat kaya ng relihiyon ay mabuti? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Mateo 7:13, 14.] Inisa-isa po ng magasing ito ang tatlong bagay na ayon sa Bibliya ay siyang dapat makita sa isang mabuting relihiyon.”
Gumising! Agosto
“Lahat tayo ay naging biktima na ng diskriminasyon. Sa palagay ninyo, nagtatangi kaya ang Diyos? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Gawa 10:34, 35.] Makatutulong po sa atin ang mga payo ng Bibliya kapag naging biktima tayo ng diskriminasyon. Tutulungan din po tayo nito na maalis sa atin ang anumang pagtatangi. Ipinaliliwanag po iyan ng magasing ito.”