Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Agosto 1
“Marami ang naniniwala na lahat ng mabuting tao ay aakyat sa langit. Naniniwala ka rin ba doon? [Hayaang sumagot.] Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Bibliya. [Basahin ang Awit 37:11, 29.] Ipinapakita sa artikulong ito kung ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa kinabukasan ng sangkatauhan dito sa lupa.” Itampok ang artikulo sa pahina 22.
Gumising! Agosto
“Para sa marami, napakasakit mamatayan ng magulang. Paano kaya maiibsan ang kirot na dulot nito? [Hayaang sumagot.] Marami ang nagiginhawahan sa tekstong ito. [Basahin ang Apocalipsis 21:4.] Ipinaliliwanag ng artikulong ito kung paano makakayanan ang pagkamatay ng magulang, lalo na para sa isang kabataan.” Itampok ang artikulo sa pahina 10.
Ang Bantayan Setyembre 1
“Sinasabi ng ilan na kung tapat ka sa Diyos, yayaman ka; pero kung hindi, maghihirap ka. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Pero alam mo bang si Jesus ay hindi mayaman? [Basahin ang Lucas 9:58.] Tinatalakay sa magasing ito kung anong mga pagpapala ang maaasahan ng mga lingkod ng Diyos.”
Gumising! Setyembre
“Sa tingin mo, mas matindi kaya ang pressure sa mga kabataan ngayon kaysa noon? [Hayaang sumagot.] Alam mo, marami ang naniniwala na nangyayari na sa ngayon ang sinasabi ng tekstong ito. [Basahin ang 2 Timoteo 3:1.] Sa magasing ito, may ilang praktikal na simulain sa Bibliya na makakatulong sa mga magulang at mga kabataan.”