Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Pebrero 1
“Sa palagay mo, pinakikinggan kaya ng Diyos ang lahat ng panalangin? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinabi ni Jesus tungkol dito. [Basahin ang Mateo 6:7.] Tinatalakay ng magandang artikulong ito ang sagot ng Bibliya sa apat na karaniwang tanong ng mga tao hinggil sa panalangin.” Itampok ang artikulo sa pahina 16.
Gumising! Pebrero
“Marami ang naniniwala na nakatadhana na ang mangyayari sa ating buhay. Ikaw, ano sa tingin mo? [Hayaang sumagot.] Ayon sa talatang ito, puwede tayong mamilì. [Basahin ang Deuteronomio 30:19.] Ipinaliliwanag ng artikulong ito ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagtatadhana.” Ipakita ang artikulo sa pahina 12.
Ang Bantayan Marso 1
“Sa palagay mo, lahat kaya ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay nakatadhana na? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito. [Basahin ang Eclesiastes 9:11.] Ipinaliliwanag ng magasing ito na, bagaman nagtakda ang Diyos ng magandang kinabukasan para sa lupa, pinahihintulutan niya ang bawat isa sa atin na magpasiya kung anong uri ng buhay ang pipiliin natin.”
Gumising! Marso
“Maraming tao ang nababalisa dahil sa pera, lalo ngayon na bagsak ang ekonomiya, hindi ba? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang magandang payo na ito. [Basahin ang 1 Timoteo 6:8, 10.] Tinatalakay ng magasing ito ang ilang simulain sa Bibliya na tutulong sa atin na magamit ang ating pera sa paraan na hindi tayo mababalisa.”