Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Enero 1
“Sa palagay mo, gagawa kaya ng paraan ang Diyos para hindi tuluyang masira ang kalikasan? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Apocalipsis 11:18.] Tinatalakay ng artikulong ito ang sinasabi ng Bibliya kung bakit tayo makakaasa na maganda ang magiging kinabukasan ng lupa.” Itampok ang artikulo sa pahina 18.
Gumising! Enero
“Kapag napapaharap sa mga problema, marami ang nag-aakalang pinarurusahan sila ng Diyos. Ganiyan din ba ang nadarama mo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Santiago 1:13.] Ipinaliliwanag ng artikulong ito ang totoong sanhi ng ating mga problema at kung bakit tayo makakaasa na malapit nang matapos ang ating mga paghihirap.” Itampok ang artikulo sa pahina 28.
Ang Bantayan Pebrero 1
“Sa palagay mo, sinasang-ayunan kaya ng Diyos ang lahat ng relihiyon? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinabi ni Jesus tungkol dito. [Basahin ang Mateo 15:8, 9.] Tinatalakay ng artikulong ito kung sinasang-ayunan ba ng Diyos ang lahat ng anyo ng pagsamba.” Itampok ang artikulo sa pahina 9.
Gumising! Pebrero
“Ang lahat ng bagay tungkol sa lupa ay nagpapakitang nilikha ito para sumustine sa buhay. Sa palagay mo ba ay nagkataon lang ito, o naniniwala kang may isang Maylalang na nagdisenyo nito? [Hayaang sumagot.] Maraming tao ang sumasang-ayon sa sinasabing ito ng Bibliya. [Basahin ang Awit 104:24.] Tinatalakay ng magasing ito ang mga ebidensiya mula sa siyensiya at sa Bibliya na may isang Maylalang.”