Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Setyembre 1
“Marami ang hindi naniniwala sa ulat ng Genesis tungkol kina Adan at Eva. Naniniwala naman ang iba na talagang nabuhay sila. Ikaw, ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung paano sila tinukoy ni Jesus. [Basahin ang Marcos 10:6-9.] Ipinakikita sa artikulong ito ang mga patotoo na talagang nabuhay sina Adan at Eva. Ipinaliliwanag din dito na mahalaga kung ano ang ating pinaniniwalaan.” Itampok ang artikulo sa pahina 12.
Gumising! Setyembre
Basahin ang 1 Juan 4:8. Saka sabihin: “Naniniwala ang ilan na pinahihirapan ng Diyos magpakailanman ang masama sa nag-aapoy na impiyerno. Naiisip naman ng iba na salungat ito sa binasa nating teksto. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay sa artikulong ito kung ano ang itinuturo ng Bibliya.” Itampok ang artikulo sa pahina 10.
Ang Bantayan Oktubre 1
“Lahat tayo ay nakararanas ng pagsubok. [Bumanggit ng ilan na karaniwan sa inyong teritoryo.] Matutulungan kaya tayo ng Diyos? [Hayaang sumagot.] Sa tekstong ito, sinabi ni Jesus ang isang paraan kung paano tayo tinutulungan ng Diyos. [Basahin ang Lucas 11:13.] Ipaliliwanag sa magasing ito kung ano ang banal na espiritu at kung paano ito makatutulong sa atin.”
Gumising! Oktubre
“Walang pamilya ang hindi nagkakaproblema. Saan kaya sila makakakuha ng maaasahan at praktikal na payo? [Hayaang sumagot at saka basahin ang Awit 32:8.] Tinatalakay sa espesyal na isyung ito ng Gumising! ang espesipikong mga simulain sa Bibliya na kapag ikinapit ay makatutulong sa mga pamilya.”