Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Setyembre 1
“Maraming tao ang nalinlang ng relihiyon kaya sila nakakagawa ng masama. Ano sa palagay ninyo ang dahilan kung bakit sila nalinlang? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi ng Bibliya. [Basahin ang 1 Juan 4:1.] Ipinaliliwanag ng artikulong ito kung bakit mahalagang tiyakin kung ang ating mga paniniwala ay kaayon ng sinasabi ng Salita ng Diyos.” Itampok ang artikulo sa pahina 10.
Gumising! Setyembre
Basahin ang Mateo 5:39. Saka itanong: “Sa palagay mo ba ang ibig sabihin dito ni Jesus ay manahimik na lang tayo kahit na gawan tayo ng mali? [Hayaang sumagot.] Ipinapakita ng artikulong ito ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagtatanggol sa sarili at paghingi ng proteksiyon ng batas.” Itampok ang artikulo sa pahina 10.
Ang Bantayan Oktubre 1
“Nananalangin ang mga tao anuman ang relihiyon nila. Sa palagay mo kaya talagang dinirinig at sinasagot ng Diyos ang mga panalangin? [Hayaang sumagot.] Pinasisigla tayo ng Bibliya na manalangin. [Basahin ang Filipos 4:6, 7.] Tinatalakay ng magasing ito ang sagot ng Bibliya sa pitong karaniwang tanong tungkol sa panalangin.”
Gumising! Oktubre
“Madalas tayong makabalita ng mga taong pinagtaksilan ng asawa, nilinlang ng mga pulitiko, at iba pa. Sa palagay mo, mahirap na kayang makakita ng mga taong mapagkakatiwalaan? [Hayaang sumagot.] Marami ang naniniwalang natutupad na ang tekstong ito. [Basahin ang 2 Timoteo 3:1-5.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung saan natin maaaring makita ang mga taong mapagkakatiwalaan.”