Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hunyo 1
“Sinasabi po ng marami na ang mga relihiyon daw ay iba’t ibang daan lamang, pero sa Diyos din patungo. Ano po ang masasabi ninyo rito? [Hayaang sumagot.] Tingnan po natin ang sinasabi ng Bibliya. [Basahin ang Josue 24:15.] Ang artikulo pong ito ay nagbibigay ng matibay na dahilan para suriin natin mismo kung talaga ngang inaakay tayo ng ating relihiyon sa tunay na Diyos.” Itampok ang artikulo sa pahina 12.
Gumising! Hunyo
“Tayong lahat ay may kilalang tao na namatay na. Sa palagay po ninyo, dapat po ba tayong matakot na baka ang ilan sa kanila ay galít sa atin at gusto tayong saktan? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Eclesiastes 9:5, 6.] Gagaan po ang loob ninyo kapag nabasa ninyo ang artikulong ito.” Ipakita ang artikulo sa pahina 22.
Ang Bantayan Hulyo 1
“Maraming taong may Bibliya ang nahihirapang intindihin ito. Kayo rin ba? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Awit 119:130.] Ayon po dito, gusto ng Awtor ng Bibliya na maintindihan natin ang kaniyang nasusulat na Salita at makinabang dito. Ang magasing ito ay may tatlong mungkahi na makatutulong sa atin para maintindihan ang Bibliya.”
Gumising! Hulyo
“Marami sa ngayon ang pinahihirapan ng depresyon. Sa palagay po ninyo, may malasakit kaya sa kanila ang Diyos? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Awit 34:18.] Ipinaliliwanag po ng magasing ito na bukod sa pagpapagamot, makatutulong din sa mga pinahihirapan ng depresyon ang paglapit sa Diyos. Nagbibigay rin po ito ng mga mungkahi kung ano ang ating sasabihin para maaliw sila.”