Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hunyo 15
“Hindi ka ba sasang-ayon na isang hamon sa ngayon ang pagsasanay sa mga anak? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang katiyakang ito na maaaring magtagumpay ang mga magulang. [Basahin ang Kawikaan 22:6.] Ang isyung ito ng Ang Bantayan ay nagbibigay ng praktikal na payo upang tulungan ang mga magulang na harapin ang hamong ito.”
Gumising! Hunyo 22
“Inaakala ng ilan na salungat sa siyensiya ang maniwala sa Diyos. Pero alam mo ba na may mga siyentipiko na nagsasabing sinusuportahan talaga ng siyensiya ang paniniwala sa Maylalang? [Hayaang sumagot.] Isinasaalang-alang ng isyung ito ng Gumising! ang ilan sa mga ebidensiya na naging dahilan upang sumapit sila sa gayong konklusyon.” Basahin ang Roma 1:20.
Ang Bantayan Hulyo 1
“Sa mga panahon ng trahedya, marami ang nagtatanong kung talaga nga bang nagmamalasakit ang Diyos sa mga tao at kung napapansin niya ang kanilang pagdurusa. Napag-isipan mo na ba ito? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano nagpapakita ang Diyos ng pagkabahala sa atin sa ngayon at kung paano siya naglaan ng saligan sa pagpawi sa lahat ng pagdurusa.” Basahin ang Juan 3:16.
Gumising! Hulyo 8
“Para sa maraming tao, ang mga taon ng pagiging tin-edyer ay panahon kapuwa ng kagalakan at mga hamon, hindi ba? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang mga pagbabagong nararanasan ng mga nagbibinata o nagdadalaga. Sinusuri rin nito ang ilang matatalinong payo na makatutulong sa kanila na gawing kasiya-siya ang mga taon ng kanilang pagiging tin-edyer.” Basahin ang Eclesiastes 12:1.