Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mayo 15
“Napag-isipan mo na ba kung naaapektuhan kaya ang Diyos sa mga bagay na ginagawa ng mga tao sa lupa? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung paano makaaapekto sa damdamin ng Diyos ang ating mga paggawi. [Basahin ang Kawikaan 27:11.] Tinatalakay ng magasing ito ang halimbawa ng ilang tao na nagpasaya sa puso ng Diyos, at ipinaliliwanag nito kung paano natin sila matutularan.”
Gumising! Mayo 22
“Nakagawa na ng kapansin-pansing pagsulong ang siyensiya ng medisina sa paglaban sa sakit, subalit sa palagay mo kaya ay makikita pa natin ang isang daigdig na lubusan nang ligtas sa karamdaman? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito na balang-araw, lahat ng nasa lupa ay magtatamasa ng sakdal na kalusugan bilang katuparan ng pangakong ito.” Basahin ang Isaias 33:24.
Ang Bantayan Hunyo 1
“Iniisip ng ilang tao na hindi naman kailangang maging bahagi ng isang organisadong relihiyon upang sambahin ang Diyos. Napag-isipan mo na ba ito? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang rekord ng mga pakikitungo ng Diyos sa mga tao noong nakalipas na mga panahon. Tinatalakay rin nito kung ano ang kahulugan ng pagsamba sa Diyos sa katotohanan.” Basahin ang Juan 4:24.
Gumising! Hunyo 8
“Maraming tao sa ngayon ang dumaranas ng kalungkutan. Nasasangkot dito ang pagkadama na nakabukod sila sa iba. Hindi ka ba sasang-ayon na masakit ito sa damdamin? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Awit 25:16.] Ang isyung ito ng Gumising! ay nagbibigay ng praktikal na mga mungkahi upang madaig ang kalungkutan.”