Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mayo 15
“Paano mo sasagutin ang tanong na ito? [Basahin ang tanong sa pabalat. Hayaang sumagot.] Binibigyan tayo ng Bibliya ng pag-asa. [Basahin ang Mateo 6:9, 10.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung paano tutuparin ng Kaharian ng Diyos ang kaniyang kalooban dito sa lupa.”
Gumising! Mayo
“Sa palagay mo, itinatadhana kaya ng Diyos ang mga ginagawa natin at ang kahihinatnan natin? [Hayaang sumagot.] Ayon sa tekstong ito sa Bibliya, hinahayaan ng Diyos ang mga tao na magpasiya kung paano sila mamumuhay. [Basahin ang Deuteronomio 30:19.] Ipinakikita ng artikulong ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito.” Itampok ang artikulo sa pahina 12.
Ang Bantayan Hunyo 1
“Halos araw-araw nating nababalitaan ang tungkol sa masasamang tao. [Banggitin ang isang halimbawa kamakailan na napabalita sa inyong lugar.] Naisip mo na ba na baka may masamang di-nakikitang impluwensiya na nagtutulak sa mga tao na gawin ito? [Hayaang sumagot. Basahin ang Apocalipsis 12:12.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung paano natin mapoproteksiyunan ang ating sarili.”
Gumising! Hunyo
“Nais kong tanungin ang opinyon mo tungkol dito. [Basahin ang 1 Timoteo 6:10.] Sa palagay mo, posible bang magdusa ang mga tao dahil sa labis na pag-ibig sa salapi at ari-arian? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang masasamang epekto ng paghahabol sa kayamanan.”