Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mayo 1
Basahin ang Mateo 24:3, saka sabihin: “Para sa ilan, ang tanong na ito ay tumutukoy sa katapusan ng daigdig. Ikaw, ano sa tingin mo? [Hayaang sumagot.] Makikita sa sagot ni Jesus na mayroon tayong dapat abangan, pero hindi ang katapusan ng mundo. Ano kaya iyon? Ipinaliliwanag iyan sa artikulo sa pahina 16.”
Gumising! Mayo
“Itinuturo ng ilang ministro na kung susunod tayo sa Diyos, payayamanin niya tayo. Pero baka may mga kilala ka na mabubuti naman pero mahirap lang ang buhay. Sa tingin mo, gusto kaya ng Diyos na yumaman tayo? [Hayaang sumagot. Basahin ang Hebreo 13:5.] Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano tayo pagpapalain ng Diyos.” Ipakita ang artikulo sa pahina 12.
Ang Bantayan Hunyo 1
“Napakarami ngayong aklat tungkol sa pagpapalaki ng bata, sa pag-ibig, at sa pagiging matagumpay sa buhay. Sa tingin mo, talaga kayang nakakatulong ang gayong mga aklat? [Hayaang sumagot.] May isang aklat na di-gaanong pinapansin ng mga tao, pero maaasahan ang payo nito. [Basahin ang 2 Timoteo 3:16.] Nasa magasing ito ang paliwanag kung bakit tayo makapagtitiwala sa Bibliya, pati na ang ilang halimbawa ng praktikal na payo nito.”
Gumising! Hunyo
“Pinagtatalunan pa rin ng marami kung tama ba o mali ang aborsiyon. Sa palagay mo, makakatulong kaya ang Bibliya sa isa na nag-iisip magpa-abort? [Hayaang sumagot. Basahin ang 2 Timoteo 3:16, 17.] Ipinapakita ng magasing ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya sa paksang ito.”