Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mayo 1
“Dahil sa dumaraming likas na kasakunaan sa ngayon, iniisip ng ilan na pinarurusahan tayo ng Diyos. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang 1 Juan 4:8.] Ipinaliliwanag ng artikulong ito kung bakit hindi dapat isisi sa Diyos ang pagdurusang dulot ng likas na mga kasakunaan.” Itampok ang artikulong nasa pahina 30.
Gumising! Mayo
Basahin ang Mateo 6:10. Saka itanong: “Naisip mo na ba kung ano ang kalooban ng Diyos para sa lupa? [Hayaang sumagot.] Ayon sa Bibliya, may layunin na ang Diyos para sa lupa sa simula pa lamang at hindi nagbabago ang layuning iyan. Ipinaliliwanag iyan sa artikulong ito.” Itampok ang artikulong nasa pahina 10.
Ang Bantayan Hunyo 1
“Isa sa pinakakilalang kuwento sa Bibliya ang tungkol kay Noe at sa Baha. Sa palagay mo, talaga nga kayang nagkaroon ng baha? [Hayaang sumagot.] Kapansin-pansing tinukoy ito ni Jesus bilang isang tunay na pangyayari. [Basahin ang Lucas 17:26, 27.] Binabanggit ng magasing ito ang mga dahilan para maniwala tayo sa ulat tungkol sa Baha at ipinaliliwanag ang mahahalagang aral na itinuturo nito sa atin.”
Gumising! Hunyo
“Isang hamon ang pagpapalaki sa anak, lalo na kung tin-edyer na ang bata at nakararanas ng malalaking pagbabago sa kaniyang sarili. Sa tingin mo, saan kaya makakakuha ng maaasahang payo ang mga magulang? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Isaias 48:17, 18.] Ang magasing ito ay nagbibigay ng napapanahong mungkahi upang tulungan ang mga magulang na kumilos nang may karunungan at unawa.”