Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mayo 15
“Sa palagay mo, masisiyahan ka kayang mamuhay sa ilalim ng mga kalagayang inilalarawan sa talatang ito ng Bibliya? [Basahin ang 2 Pedro 3:13. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung ano ang bagong langit at bagong lupa. Inilalarawan din nito kung paano magiging iba ang buhay kapag tinupad na ng Diyos ang kaniyang layunin para sa lupa.”
Gumising! Mayo
“Inaakala ng ilang tao na kailangan mong maging agresibo upang magtagumpay sa daigdig sa ngayon. Sa kabaligtaran, pansinin kung ano ang iminungkahi ni Jesus. [Basahin ang Mateo 5:5, 9.] Sang-ayon ka ba riyan? [Hayaang sumagot.] Itinatampok ng magasing ito ang tatlong kapakinabangan ng pagiging mapagpayapa.” Itampok ang artikulo na nagsisimula sa pahina 28.
Ang Bantayan Hunyo 1
“Sa karamihan ng mga kultura, may panahon noon na ang mga may-edad na ay iginagalang, gaya ng makikita natin sa sinaunang kautusang ito. [Basahin ang Levitico 19:32.] Sa palagay mo, karaniwan pa rin ba sa ngayon ang ganitong paggalang? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng magasing ito kung paano nagmamalasakit ang Diyos sa mga may-edad na at kung paano rin natin magagawa ito.”
Gumising! Hunyo
“Matagal nang may terorismo, pero ngayon lamang ito lumaganap sa buong daigdig at halos lahat tayo ay apektado nito. Bakit kaya? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng isyung ito ng Gumising! ang paliwanag ng Bibliya kung kailan mawawala ang terorismo at kung ano ang gagawin ng Diyos upang magkaroon ng tunay na kapayapaan sa lupa.” Basahin ang Mikas 4:4.