Tanong
◼ Bakit kailangang maging maingat kapag nagpapatotoo sa pamamagitan ng liham?
Ang pagpapatotoo sa pamamagitan ng liham ay isang pamamaraan sa pagbabahagi ng mabuting balita na matagal nang napatunayang mabisa. Gayunman, ang mga pangyayari sa daigdig kamakailan ay naging dahilan upang maging maingat ang mga tao sa pagbubukas ng di-pamilyar na liham. Ang mga sobre na di-kilala ang pinagmulan o walang direksiyon ng sumulat ay kadalasang pinaghihinalaan, lalo na kung ang mga ito ay sulat-kamay at makapal. Maaaring itapon ng mga may-bahay ang gayong liham nang hindi ito binubuksan. Paano natin maiiwasan na mangyari ito?
Kung posible, kapuwa ang liham at ang sobre ay dapat na nakamakinilya. Dapat na tukuyin sa sobre ang pangalan ng may-bahay. Huwag gamitin ang mga salitang “Sa Nakatira” sa direksiyon ng sinusulatan. Karagdagan pa, laging ilagay ang direksiyon ng pinanggalingan ng sulat. Kung hindi makabubuti na ilagay ang iyong personal na direksiyon, ilagay ang iyong pangalan at ang direksiyon ng Kingdom Hall. Huwag magpapadala ng mga liham na walang pangalan. Huwag kailanman gagamitin ang direksiyon ng tanggapang pansangay.—Tingnan ang “Tanong” sa Nobyembre 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 2.
Ang karagdagang mga mungkahi at isang sampol na liham ay masusumpungan sa bagong aklat na Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, pahina 71-3. Ang mga tagubiling ito ay tutulong sa atin na mabisang gamitin ang mga liham upang maabot ang iba sa pamamagitan ng mabuting balita.