Kung Bakit Iniibig Natin ang Ating Buong Samahan ng mga Kapatid
Sa daigdig sa ngayon na walang pag-ibig, paano natin patuloy na maipakikita ang ating masidhing pag-ibig? (1 Ped. 2:17) Paano natin maipakikita sa iba na talagang umiiral ang ating tunay at pangglobong kapatiran? (Mat. 23:8) Sa pamamagitan ng video na Our Whole Association of Brothers. Ipinakikita nito ang mga dahilan kung bakit natin iniibig ang isa’t isa. Tingnan kung masasagot mo ang mga tanong na ito:
(1) Nakikibahagi tayo sa anong tatlong gawain na isinasagawa rin ng ating pambuong-daigdig na kapatiran? (2) Paano ipinakikita ng ating mga kapatid ang kanilang determinasyon na mangaral (a) sa mga liblib na lugar ng Alaska, (b) sa pagkalalaking daungan ng Europa, at (c) sa makakapal na kagubatan ng Peru? (3) Ano ang isang lalo nang epektibong kasangkapan sa pagpapatotoo? (4) Bakit hindi natin dapat madama kailanman na ang pangangaral ay isa lamang ordinaryong gawain? (5) Magbigay ng mga halimbawa kung paano inaliw at inalalayan ng mga Saksi ni Jehova ang isa’t isa sa panahon ng kabagabagan—mga lindol, bagyo, at digmaang sibil. (Tingnan ang mga komento ni Takao sa pahina 23 ng Agosto 22, 1995, Gumising! at ni Kotoyo sa pahina 20 ng Oktubre 22, 1996, Gumising!) (6) Sa anong praktikal na mga paraan maipakikita nating lahat ang dakilang pagkakakilanlang tanda ng ating Kristiyanong kapatiran? (Juan 13:35) (7) Gaano dapat kalaki ang ating pagpapahalaga sa ating mga pagpupulong sa kongregasyon? (8) Paanong ang pagkakaroon ng Kingdom Hall na mapagpupulungan ay nakaapekto sa mga dating walang Kingdom Hall? (9) Paano nakaligtas sa espirituwal na paraan ang ating mga kapatid sa Silangang Europa at Russia nang sila ay pinagbabawalan? (10) Maging hanggang sa ngayon, anong pambihirang pagsisikap ang ginagawa ng maraming Saksi upang makadalo sa mga kombensiyon, at bakit? Paano ka napatibay nito? (11) Bakit determinado kang makiisa sa pagsamba kasama ang kapatiran, tumulong sa iba sa panahon ng kagipitan, at mangaral nang buong katapatan sa anumang panahon at paraang magagawa mo ito? (12) Bakit makabubuting magkaroon ng personal na kopya ng video na ito at ipalabas ito sa maraming interesadong tao hangga’t maaari?