Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/02 p. 4
  • Mabuklod Nang Magkakasuwato

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mabuklod Nang Magkakasuwato
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkakaisang Kristiyano​—Lumuluwalhati sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Tunay na Kristiyanong Pagkakaisa—Paano?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Tinitipon ng “Iisang Jehova” ang Kaniyang Pamilya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Makatutulong Ka Para Tumibay ang Kristiyanong Pagkakaisa—Paano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 7/02 p. 4

Mabuklod Nang Magkakasuwato

1 Gaano ka kadalas mamangha sa mahusay na disenyo ng katawan ng tao? (Awit 139:14) Bawat bahagi ng katawan ay kumikilos nang magkakasuwato. Inihahalintulad ng Salita ng Diyos ang Kristiyanong kongregasyon sa isang katawan na kumikilos nang magkakatugma. Sa ilalim ng Ulo na si Kristo, ang lahat ng miyembro ng kongregasyon ay “magkakasuwatong pinagbubuklod at pinapangyaring magkatulungan sa pamamagitan ng bawat kasukasuan na nagbibigay ng kinakailangan.” (Efe. 4:16a) Kaya, nagagamit ni Jehova ang kaniyang nagkakaisang bayan upang isakatuparan ang kamangha-manghang mga bagay.

2 Ang mga miyembro ng unang-siglong kongregasyon ay kumilos “na may pagkakaisa” sa pangangalaga sa espirituwal at materyal na mga pangangailangan ng isa’t isa. (Gawa 2:44-47) Sa tulong ni Jehova, may pagkakaisa nilang hinarap at napagtagumpayan ang marahas na pagsalansang. (Gawa 4:24-31) Ipinahayag nila ang mensahe ng Kaharian saanman sila magtungo, na ipinaabot ang mabuting balita sa bahagi ng daigdig na kilalá noon. (Col. 1:23) Sa makabagong panahon, may pagkakaisang naisasakatuparan ng kongregasyong Kristiyano ang katulad na mga bagay sa mas malawak na antas. Anong mga salik ang nagpapangyari sa pagkakaisang ito?

3 Pinagbuklod ng Banal na Pagtuturo: Sa buong daigdig, nagkakaisa tayo sa ating pagsamba. Paano ito naging posible? Kinikilala natin ang nakikitang alulod ni Jehova sa paglalaan ng espirituwal na “pagkain sa tamang panahon.” (Mat. 24:45) Pinahahalagahan din natin ang “mga kaloob na mga tao” na ibinigay niya bilang mga guro sa kongregasyon. Habang mapagpakumbaba nating tinatanggap ang mga paglalaan ni Jehova upang pakanin tayo sa espirituwal na paraan, ang ating unawa sa Salita ng Diyos ay lumalago at pinupukaw nito sa atin ang iisang hangarin na tularan si Jesus bilang kaniyang mga alagad. Dapat tayong magpatuloy sa pag-aaral ng Salita ng Diyos, na buong taimtim na nagsisikap na “makamtan nating lahat ang pagkakaisa sa pananampalataya.” (Efe. 4:​8, 11-13) Itinataguyod mo ba ang ating espirituwal na pagkakaisa sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya araw-araw?

4 Nagkakaisa Dahil sa Kristiyanong Samahan: Pinagbubuklod tayo ng pag-ibig sa matalik na pagsasamahan sa Kristiyanong mga pagpupulong. Sa mga pagpupulong na ito, ‘isinasaalang-alang natin ang isa’t isa.’ (Heb. 10:​24, 25) Kasangkot dito hindi lamang ang pagtingin sa panlabas na kaanyuan ng ating mga kapatid kundi ang talagang pagkilala sa kanila, na minamalas sila na gaya ng pangmalas ni Jehova sa kanila, na sila ay mahalaga. (Hag. 2:​7, tlb.a) Habang nakikinig tayo sa kanilang mga kapahayagan ng pananampalataya, ang ating pag-ibig sa kanila ay tumitindi at ang ating pagkakaisa ay tumitibay. Ikaw ba ay kilalá bilang isa na regular na dumadalo sa mga pagpupulong ng kongregasyon?

5 Mga Kamanggagawa sa Larangan: Ang pangangaral ng mabuting balita kasama ng mga kapananampalataya ay nagiging dahilan upang tayo’y magkaisa sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Pinahalagahan ni apostol Pablo ang kaniyang “mga kamanggagawa para sa kaharian ng Diyos.” (Col. 4:11) Ang paglalahad ng mga karanasan at pagtulong sa isa’t isa habang nasa ministeryo ay tumutulong sa atin na isakatuparan ang ating atas bilang mga Kristiyano at patibayin ang ating buklod ng pagkakaisa.​—Col. 3:14.

6 Ang Impluwensiya ng Banal na Espiritu na Nagdudulot ng Pagkakaisa: Habang pinagsisikapan nating gawin ang kalooban niya, ipinagkakaloob sa atin ni Jehova ang kaniyang espiritu. Tinutulungan tayo nito na maayos ang mga di-pagkakaunawaan at manahanang magkakasama sa pagkakaisa. (Awit 133:1) Ginaganyak tayo nito na “ingatan ang pagkakaisa ng espiritu sa nagbubuklod na bigkis ng kapayapaan.” (Efe. 4:3) Maitataguyod ng bawat isa sa atin ang pagkakasuwato na umiiral sa bayan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapamalas ng mga bunga ng espiritu sa ating mga pakikitungo sa isa’t isa.​—Gal. 5:​22, 23.

7 Ang paglilingkod nang magkakasama sa pagkakaisa sa ilalim ng pagkaulo ni Kristo “ay gumagawa sa ikalalaki ng katawan sa ikatitibay nito sa pag-ibig.” (Efe. 4:16b) Karagdagan pa, niluluwalhati nito si Jehova, “ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.”​—Roma 16:20.

[Talababa]

a New World Translation of the Holy Scriptures​—With References

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share