Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hulyo 15
“Sa palagay mo ba’y pinarurusahan ang mga balakyot sa impiyerno? [Hayaang sumagot.] Maliwanag na ipinakikita ng Bibliya kung ano ang parusa sa kasalanan. [Basahin ang Roma 6:23a.] Kung gayon, ang impiyerno ba ay isang maapoy na lugar ng pagpapahirap? Isa lamang ba itong kalagayan ng pagiging hiwalay mula sa Diyos? Ibinibigay ng magasing ito ang maka-Kasulatang mga kasagutan sa mga tanong na ito.”
Gumising! Hulyo 22
“Itinuturing ng maraming tao na isang katanggap-tanggap na libangan sa lipunan ang pagsusugal. Ipinapalagay naman ng iba na nakapipinsala ito sa pamilya at sa lipunan sa pangkalahatan. Sinusuri ng isyung ito ng Gumising! ang pagsusugal sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa inilathalang pananaliksik kamakailan. Baka maging interesado rin kayo sa pagbabasa kung paano nauugnay sa paksang ito ang mga simulain sa Bibliya.” Bilang halimbawa, basahin ang 1 Timoteo 6:10.
Ang Bantayan Agos. 1
“Ipinapalagay ng maraming tao na katuwaan lamang ang mga pamahiin at mga kaugalian. [Ipakita ang isa o dalawang punto sa kahon na nasa pahina 5.] Napag-isipan mo na ba kung ano ang nasa likod ng gayong mga ideya? [Pagkatapos sumagot, basahin ang 2 Corinto 11:14.] Tinatalakay ng magasing ito ang pangmalas ng Bibliya hinggil sa mga pamahiin.”
Gumising! Agos. 8
“Maraming tao ang labis na nababahala sa pagdami ng karahasan at terorismo. Marahil ay sasang-ayon ka sa mga pananalita ng Eclesiastes 8:9. [Basahin at hayaang sumagot.] Tinatalakay ng isyung ito ng Gumising! ang mga aral mula sa nakaraan at ipinakikita nito kung paano magwawakas ang gayong panunupil.”