Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/02 p. 8
  • Maging Mahusay sa Pakikipag-usap!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Mahusay sa Pakikipag-usap!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Si Jehova at si Kristo—Pangunahin sa Pakikipagtalastasan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Pagtatalastasan sa Ministeryong Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Pagtatalastasan sa Loob ng Pamilya at sa Kongregasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaayaayang Pag-uusap—Isang Susi sa Matagumpay na Pag-aasawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 8/02 p. 8

Maging Mahusay sa Pakikipag-usap!

1 Upang maisakatuparan natin ang ating atas na mangaral at gumawa ng mga alagad, dapat tayong magbigay ng impormasyon sa iba. (Mat. 24:14; 28:​19, 20) Ang pakikipag-usap ay maaaring maging isang hamon maging sa magkakaibigan. Ano ang makatutulong sa atin upang maipaabot sa mga estranghero ang mabuting balita?

2 Mula sa Pagiging Estranghero Tungo sa Pagiging Kaibigan: Pagsikapang ilagay ang iyong sarili sa lugar ng iyong nilalapitan sa ministeryo. Sa daigdig sa ngayon, mauunawaan naman na ang ilan ay maaaring mapaghinala, o matatakutin pa nga, sa mga estranghero. Maaari itong makahadlang sa pakikipag-usap. Paano mo mapagtatagumpayan ang panimulang pangamba niyaong mga natatagpuan mo? Bago pa man tayo magsalita, ang isang paraan ng ating pakikipag-usap ay sa pamamagitan ng ating mahinhing personal na hitsura. Ang ating maayos na pananamit at marangal na pagdadala ng sarili ay makatutulong upang mawala ang takot.​—1 Tim. 2:​9, 10.

3 Ang isa pang pantulong sa pakikipag-usap ay ang relaks at palakaibigang paraan. Tinutulungan nito ang iba na maging panatag at nagpapangyari ito na mas madali silang makinig. Kailangan dito ang mabuting paghahanda. Kapag malinaw sa ating isipan ang ating sasabihin, mas malamang na hindi tayo gaanong kabahan. At ang mapayapang kalagayang ito ng isip sa ating bahagi ay maaaring umakit sa iba sa ating mensahe. Ganiyan ang binanggit ng isang babae hinggil sa pagdalaw ng isang Saksi: “Ang natatandaan ko sa kaniyang nakangiting mukha ay ang kapayapaan. Napukaw ang aking interes.” Ito ang nagbukas ng daan upang makinig ang babae sa mabuting balita.

4 Mga Katangiang Nakaaakit: Kailangan tayong magkaroon ng taimtim at personal na interes sa iba. (Fil. 2:4) Ang isang paraan upang magawa ito ay ang pag-iwas na pangibabawan ang pag-uusap. Tutal, nasasangkot din naman sa pag-uusap ang pakikinig. Kapag inaanyayahan natin ang ating mga tagapakinig na ipahayag ang kanilang sarili at interesado tayong pakinggan ang kanilang mga komento, nadarama nilang nagmamalasakit tayo sa kanila. Kaya kapag nagsasalita ang iyong mga tagapakinig, huwag magmadaling humanap ng pagkakataon na bumalik sa iyong inihandang presentasyon. Bigyan sila ng taimtim na komendasyon hangga’t magagawa mo, at sikaping ibagay ang iyong mga komento sa mga sinabi nila. Kung ang kanilang mga komento ay nagsisiwalat ng isang bagay na malapit sa kanilang puso, iangkop ang iyong presentasyon sa mga bagay na ikinababahala nila.

5 Ang kahinhinan at kababaan ng pag-iisip ay nagpapadulas sa daloy ng pag-uusap. (Kaw. 11:2; Gawa 20:19) Naakit ang mga tao kay Jesus dahil siya ay “mahinahong-loob at mababa ang puso.” (Mat. 11:29) Sa kabilang dako naman, ang mapagmataas na saloobin ay nagtataboy sa mga tao. Kaya bagaman tayo ay kumbinsidung-kumbinsido na taglay natin ang katotohanan, may-katalinuhan nating iniiwasan ang pagsasalita sa dogmatikong paraan.

6 Paano kung ang mga komento ng isang tao ay nagpapahiwatig ng mga paniniwalang hindi kasuwato ng itinuturo ng Bibliya? Obligasyon ba nating ituwid siya? Oo, sa kalaunan, ngunit hindi natin kailangang gawin ito sa unang pagdalaw. Kadalasan nang makabubuti na ipakipag-usap ang mga ideyang kaayon sa paniniwala ng ating tagapakinig bago ibahagi ang mga turo ng Bibliya na maaaring mas mahirap niyang tanggapin. Nangangailangan ito ng pagtitiyaga at pagkamataktika. Nagbigay si Pablo ng isang mainam na halimbawa sa puntong ito nang magpatotoo siya sa mga hukom ng Areopago.​—Gawa 17:​18, 22-31.

7 Higit sa lahat, ang walang-pag-iimbot na pag-ibig ang tutulong sa atin na maging mahusay sa pakikipag-usap. Gaya ni Jesus, dapat tayong mahabag sa mga taong “nabalatan at naipagtabuyan kung saan-saan tulad ng mga tupang walang pastol.” (Mat. 9:36) Pinakikilos tayo nito na dalhin sa kanila ang mabuting balita at tulungan silang maakay sa daan tungo sa buhay. Ang ating mensahe ay isang mensahe ng pag-ibig, kaya patuloy nawa natin itong ipahayag sa maibiging paraan. Sa paggawa nito, tinutularan natin ang Diyos na Jehova at si Jesu-Kristo​—ang pinakamahusay sa buong sansinukob sa larangan ng pakikipag-usap.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share