Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Agos. 15
“Ano sa palagay ninyo ang pinakamataas na uri ng pagkamatapat? [Hayaang sumagot.] Idiniriin ng artikulong ito ang pagkamatapat sa tunay na Diyos. [Ipakita ang pahina 5, at basahin ang 2 Samuel 22:26.] Alam ba ninyo na ang pagkamatapat sa Diyos ay makatutulong sa mga tao na iwasan ang masamang pakikitungo sa iba? Alam kong matutuwa kayong basahin ito.”
Gumising! Agos. 22
“Ikinabahala na ba ninyo na ang suliranin ng sangkatauhan hinggil sa polusyon ay hindi makontrol? [Hayaang sumagot.] Ang isang pangunahing sanhi ng problema ay ang pagiging aksayado. Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na huwag maging aksayado. [Basahin ang Juan 6:12.] Ipinakikita ng magasing ito kung paanong ang pagsunod sa mga simulain ng Bibliya ay makatutulong sa mga pamilya na maiwasan ang kaisipang palatapon.”
Ang Bantayan Set. 1
“Napansin ba ninyo na sa maraming lugar ay hindi na magkakakilala ang magkakapitbahay na gaya noong una? [Hayaang sumagot.] Binanggit ni Jesus ang isang simulain na siyang susi sa pagiging isang mabuting kapitbahay. [Basahin ang Mateo 7:12.] Ipinakikita ng mga artikulong ito kung paano tayo magiging mabubuting kapitbahay at kung paano natin mapasisigla ang iba na maging gayon din.”
Gumising! Set. 8
“Para sa marami sa ngayon, punô ng kawalang-katiyakan ang buhay. [Basahin ang Eclesiastes 9:11.] Saan masusumpungan ang maaasahang patnubay? [Hayaang sumagot.] Ang ilan ay bumabaling sa numerolohiya. Ito ba ang paraan para malaman ang inyong kapalaran? Saan kayo makasusumpong ng maaasahang impormasyon hinggil sa kinabukasan? Ang Gumising! ay naglalaan ng mga kasagutan.”