Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Agos. 15
“Pinahahalagahan ng karamihan ang isang mabuting reputasyon. Ang ilan ay nagtatanong pa nga kung paano kaya sila aalalahanin pagkamatay nila. Naisip mo na ba iyan? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Eclesiastes 7:1.] Tinatalakay ng Ang Bantayan kung paano tayo magkakaroon ng isang mabuting pangalan sa mga tao at sa Diyos.”
Gumising! Agos. 22
“Kung naranasan mo na o ng isang miyembro ng iyong pamilya ang paninindak, alam mo kung gaano ito nakapipighati. [Hayaang sumagot.] Ang labas na ito ng Gumising! ay nagbibigay ng praktikal na mga mungkahi para sa mga biktima ng paninindak. Tinatalakay rin nito ang pangako ng Diyos hinggil sa isang panahon kapag lubusan nang nawala ang gayong mga problema sa buhay.” Basahin ang Mikas 4:4.
Ang Bantayan Set. 1
“Inaakala ng maraming tao na ang iba’t ibang relihiyon ng sangkatauhan ay iba’t ibang landas lamang na may iisang patutunguhan. Ang iba naman ay naniniwalang may iisa lamang tunay na relihiyon. Naisip mo na ba ito? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang isang sinaunang talinghaga na nagpapaliwanag sa katanungang ito.” Itampok ang Mateo 13:24-30.
Gumising! Set. 8
“Ang mga moda ay may malakas na impluwensiya sa buhay ng maraming tao sa ngayon. Inaakala ng ilan na labis-labis ang pagdiriin sa kung ano ang isinusuot ng mga tao at kung ano ang kanilang hitsura. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Inihaharap ng Gumising! ang isang timbang na pangmalas tungkol sa moda.” Basahin ang Colosas 3:12.