Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Agos. 15
“Sa ngayon, ang mga tao ay humahanap ng payo hinggil sa pag-aasawa at pagpapalaki ng mga anak sa maraming mapagkukunan ng impormasyon. Sa palagay mo, saan kaya masusumpungan ang pinakamahusay na payo? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng isyung ito ng Ang Bantayan ang ilan sa matatalinong payo hinggil sa buhay pampamilya na inilaan ng Maylalang ng sangkatauhan.” Basahin ang Awit 32:8.
Gumising! Agos. 22
“Sa palagay mo, gaano kahalaga na makisangkot ang mga ama sa buhay ng kanilang mga anak? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng isyung ito ng Gumising! ang lumalagong suliranin hinggil sa mga amang wala sa tahanan. Ipinaliliwanag din nito kung paano magkakaroon ng positibong impluwensiya ang mga ama sa kanilang mga anak.” Basahin ang Kawikaan 13:1.
Ang Bantayan Set. 1
“Gusto nating lahat na lumigaya. Sa palagay mo, talaga nga kayang nakapagpapaligaya ang mga bagay na binanggit dito? [Basahin ang Mateo 5:4a, 6a, 10a. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang kahulugan ng mga pananalitang iyon mula sa bantog na Sermon sa Bundok at tinatalakay nito kung ano pa ang kinakailangan upang lumigaya.”
Gumising! Set. 8
“Tinataya na 1 sa 4 katao ang daranas ng sakit sa isip sa isang yugto ng kanilang buhay. Marami sa atin ang may kakilala na pinahihirapan ng sakit na ito. [Buksan sa artikulo.] Ang artikulong ito ay nagbibigay ng nakatutulong na mga mungkahi hinggil sa kung ano ang magagawa natin kapag nasa gayong kalagayan ang mahal natin sa buhay.”