Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/03 p. 3-4
  • Mangaral at Lubusang Magpatotoo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mangaral at Lubusang Magpatotoo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Kailangan—20,000 Auxiliary Pioneer
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Magagawa Ba Natin Uli Iyon?—Panibagong Panawagan Para sa mga Auxiliary Pioneer
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Ipahayag Nang Malawakan ang mga Kagalingan ni Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kayo Ba’y Makapag-aauxiliary Payunir?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 2/03 p. 3-4

Mangaral at Lubusang Magpatotoo

1 Bilang “lider at kumandante,” inihanda ni Jesus ang kaniyang mga alagad para sa malawak na gawaing pangangaral sa hinaharap. (Isa. 55:4; Luc. 10:1-12; Gawa 1:8) Inilarawan ni apostol Pedro ang atas na ibinigay ni Jesus sa kanila sa ganitong mga salita: “Inutusan niya kaming mangaral sa mga tao at lubusang magpatotoo na ito ang Isa na itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga buháy at ng mga patay.” (Gawa 10:42) Ano ba ang kasangkot sa lubusang pagpapatotoo?

2 Marami tayong matututuhan mula sa pagsasaalang-alang sa halimbawa ni apostol Pablo. Nang makipagpulong siya sa matatandang lalaki mula sa kongregasyon ng Efeso, pinaalalahanan niya sila: “Hindi ko ipinagkait ang pagsasabi sa inyo ng alinman sa mga bagay na kapaki-pakinabang ni ang pagtuturo sa inyo nang hayagan at sa bahay-bahay. Kundi lubusan akong nagpatotoo kapuwa sa mga Judio at sa mga Griego tungkol sa pagsisisi sa Diyos at pananampalataya sa ating Panginoong Jesus.” Bagaman siya mismo ay napaharap sa mga pagsubok, nagpagal si Pablo upang maipaabot ang mabuting balita sa mas maraming tao hangga’t maaari. Hindi siya nakontento sa basta pagbabahagi lamang ng saligang mga katotohanan sa kaniyang mga tagapakinig, kundi nagpagal siya upang maibahagi ang “lahat ng layunin ng Diyos.” Upang maisagawa ito, handa siyang magsikap at magsakripisyo. Sinabi pa niya: “Hindi ko itinuturing ang aking kaluluwa na may anumang halaga at waring mahal sa akin, matapos ko lamang ang aking takbuhin at ang ministeryo na tinanggap ko mula sa Panginoong Jesus, na lubusang magpatotoo sa mabuting balita tungkol sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos.”​—Gawa 20:​20, 21, 24, 27.

3 Paano natin matutularan ang halimbawa ni Pablo sa ngayon? (1 Cor. 11:1) Sa pamamagitan ng paghanap sa karapat-dapat na mga sambahayan kahit na tayo mismo ay napapaharap sa mga pagsubok, pagsisikap na maipaabot ang mabuting balita sa mga tao mula sa lahat ng etnikong grupo at mga wika, at matiyagang paglinang sa interes ng mga taong ating nasusumpungan. (Mat. 10:​12, 13) Nangangailangan ito ng panahon, pagsisikap, at pag-ibig sa mga tao.

4 Makapaglilingkod Ka ba Bilang Auxiliary Pioneer? Ang mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo ay makapagbibigay ng mainam na pagkakataon upang makapagpatotoo ka nang lubusan sa pamamagitan ng pagiging auxiliary pioneer. Talaga ngang nakapagpapatibay na makitang napakarami ang gumawa ng pantanging pagsisikap upang makapag-auxiliary pioneer noong nakaraang taon!

5 Isang 80-anyos na kapatid na babae na maraming suliranin sa kalusugan ang naantig dahil sa pampatibay-loob na inilalaan ng organisasyon ni Jehova. Sumulat siya: “Pinagningas nito ang malaon nang hangarin ng aking puso, at nadama kong dapat akong mag-auxiliary pioneer nang kahit man lamang minsan pa.” Ipinasiya niyang isagawa ito sa Marso. “Ang una kong ginawa,” ang sabi niya, “ay maupo at tuusin ang halaga. Ipinakipag-usap ko ito sa aking anak na babae dahil kakailanganin ko ang kaniyang tulong. Nagulat ako nang kumuha rin siya ng aplikasyon para sa kaniya mismo.” Sa loob ng buwang iyon, ang may-edad nang kapatid na babaing ito ay gumugol ng 52 oras sa ministeryo. “Maraming ulit akong nanalangin kay Jehova na palakasin niya akong muli kapag nadarama kong nanghihina na ako. Sa pagtatapos ng buwan, masayang-masaya ako at kontento, at maraming ulit akong nagpasalamat kay Jehova dahil sa pagtulong niya sa akin. Gusto ko itong subukang muli.” Ang kaniyang masayang karanasan ay maaaring makapagpatibay sa iba na talagang nais mag-auxiliary pioneer sa kabila ng malulubhang suliranin sa kalusugan.

6 Sinamantala ng isang kapatid na lalaki, na di-inaasahang naalis sa kaniyang sekular na trabaho, ang pagkakataon upang mag-auxiliary pioneer. Nang buwang iyon, nakadama siya ng higit na sigasig sa gawaing pangangaral, at sa pagtatapos ng buwan, nakapagpasimula siya ng isang bagong pag-aaral sa Bibliya. Sa pagbabalik-tanaw sa kaniyang karanasan, sinabi niya: “Kapaki-pakinabang ngang buwan iyon!” Tuwang-tuwa siya dahil sa patnubay at tulong ni Jehova! Oo, ibinuhos sa kaniya ni Jehova ang mayamang pagpapala dahil sa karagdagang pagsisikap ng kapatid sa ministeryo, at gayundin ang gagawin Niya para sa iyo.​—Mal. 3:10.

7 Para sa marami, hindi madali ang mag-auxiliary pioneer. Magkagayunman, sa kabila ng sekular at pampamilyang mga pananagutan gayundin ng personal na mga hamon, maraming kapatid ang nakapagsagawa nito. Ang lubusang pagpapatotoo ay kadalasang nagsasangkot ng pagsasakripisyo sa ating mahalagang panahon at lakas, ngunit hindi naman mapapantayan ang mga pagpapala.​—Kaw. 10:22.

8 Ang Marso, Abril, at Mayo ay angkop na mga buwan para mag-auxiliary pioneer. May limang dulo ng sanlinggo sa Marso at may limang Sabado sa Mayo. Gayundin, ang mga buwang ito ay panahon ng bakasyon para sa mga nag-aaral. Ang pagsasamantala sa karagdagang mga dulo ng sanlinggo at mga pista opisyal at paggawa kung gabi ay makapagbibigay ng pagkakataon sa ilang nagtatrabaho nang buong-panahon na makapag-auxiliary pioneer. Upang makapag-iskedyul ng 50 oras sa ministeryo sa Marso, Abril, o Mayo, magagamit mo ba ang isa sa sampol na mga iskedyul ng auxiliary pioneer na kalakip sa artikulong ito? Ipakipag-usap ang iyong iskedyul sa iba; walang-alinlangang mapatitibay ang ilan na sumama sa iyo sa ministeryo. Kung hindi mo kayang mag-auxiliary pioneer, magtakda ng espesipikong tunguhin para sa mga buwang ito, at suportahan yaong mga makapagpapayunir. Gumawa ka na ngayon ng mga plano para sa ibayong paglilingkod sa Marso, Abril, at Mayo.

9 Ipakita ang Pagpapahalaga sa Memoryal: Bawat taon sa panahon ng Memoryal, libu-libo ang napakikilos ng pagpapahalaga sa pantubos na ‘bilhin ang panahon’ upang maging mga auxiliary pioneer. (Efe. 5:​15, 16) Sa Pilipinas nitong nakaraang taon, may 9,515 auxiliary pioneer noong Marso, 15,458 noong Abril, at 12,652 noong Mayo. Iyan ay may katamtamang bilang na 12,542 para sa bawat isa sa tatlong buwan na ito. Ihambing ito sa katamtamang bilang na 1,691 na nag-auxiliary pioneer sa bawat naunang mga buwan sa taon ng paglilingkod. Ang panahong ito ng Memoryal ay isa pang pagkakataon upang ipakita ang ating taimtim na pagpapahalaga sa haing pantubos ni Kristo sa pamamagitan ng ibayong paglilingkod sa ministeryo sa larangan.

10 Habang papalapit ang Abril 16, pag-isipan kung ano ang kahulugan ng Memoryal para sa iyo. Isipin ang mga pangyayari na humantong sa kamatayan ni Kristo at ang mga álalahaníng bumagabag sa kaniyang isip at puso. Bulay-bulayin din ang kagalakan na inilagay sa harap ni Jesus at kung paano ito nakatulong sa kaniya na mabata ang gayong masamang pagtrato. Pag-isipan ang kaniyang kasalukuyang posisyon bilang Ulo ng kongregasyon, na nangangasiwa sa gawaing pangangaral at paggawa ng alagad. (1 Cor. 11:3; Heb. 12:2; Apoc. 14:14-16) Pagkatapos ay ipakita ang iyong pagpapahalaga sa lahat ng ginawa ni Kristo sa pamamagitan ng lubusang pakikibahagi sa gawaing pangangaral hangga’t ipinahihintulot ng iyong mga kalagayan.

11 Pasiglahin ang Iba na Maging Lubusan: Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa paglilingkuran bilang auxiliary pioneer, nasa mahusay na kalagayan ang matatanda at ministeryal na mga lingkod upang pasiglahin ang iba. Kapag gumagawang kasama ng mga mamamahayag sa ministeryo sa larangan at kapag nagpapastol, may maiinam silang pagkakataon upang personal na tulungan ang iba na lubusang makibahagi sa pantanging gawain na ito. Nawa’y idalangin nating lahat ang hinggil sa bagay na ito, sa gayo’y makadaragdag ito ng lakas sa ating nagkakaisang pagsisikap na lubusang magpatotoo.

12 Bagaman ang lahat ng matatanda at ministeryal na mga lingkod ay makikipagtulungan sa mga kaayusan ng kongregasyon para sa ibayong gawain sa buwan ng Marso, Abril, at Mayo, ang tagapangasiwa sa paglilingkod ang lalo nang dapat mag-asikaso sa paggawa ng angkop na mga kaayusan para sa gawaing pag-eebanghelyo. Dapat siyang mag-organisa ng mga pagtitipunan bago maglingkod sa larangan, mga araw, at mga oras na maalwan para sa nakararaming mamamahayag at regular itong ipatalastas. Maaaring gumawa ng mga kaayusan upang magtipon sa iba’t ibang oras sa buong araw, anupat nabibigyan ng pagkakataon ang lahat sa kongregasyon na makibahagi sa iba’t ibang anyo ng pagpapatotoo. Maaaring kabilang dito ang paggawa sa lugar ng negosyo, pagpapatotoo sa lansangan, pagbabahay-bahay, mga pagdalaw-muli, at pagpapatotoo sa pamamagitan ng telepono. Karagdagan pa, dapat niyang isaayos na magkaroon ng sapat na suplay ng literatura, magasin, at teritoryo na magagamit sa mga buwang iyon.

13 Ang alok para sa Marso ay ang aklat na Kaalaman, taglay ang tunguhin na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Ang maiinam na mungkahi para sa pag-aalok ng aklat na Kaalaman ay lumabas sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Mayo 2002. Ang alok sa Abril ay ang mga magasing Bantayan at Gumising! Sikaping gamitin ang mungkahing mga presentasyon na makikita sa “Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin.” Ang lahat ay dapat maglaan ng panahon na maghandang mabuti upang lubusang makapagpatotoo.

14 Kayligaya nga natin na gumawa sa ilalim ng patnubay ng Ulo ng kongregasyon, si Kristo Jesus, at taglayin ang karangalan na ibahagi sa iba ang mabuting balita! Habang papalapit ang mga buwan ng Marso at Abril, muli nating pagsikapan na gawing pinakamabubuting buwan kailanman ang mga ito habang sinusunod natin ang utos ni Kristo na mangaral at lubusang magpatotoo.

[Kahon sa pahina 4]

Iba’t Ibang Paraan Upang Makapag-auxiliary Pioneer sa Marso, Abril, at Mayo 2003

Araw Oras

Lunes 1 2 — — 2 —

Martes 1 — 3 — — —

Miyerkules 1 2 — 5 — —

Huwebes 1 — 3 — —

Biyernes 1 2 — — — —

Sabado 5 4 3 5 6 7

Linggo 2 23 2 2 3

Marso 56 56 54 55 50 50

Abril 50 50 51 53 — —

Magiging angkop kaya sa iyo ang isa sa mga iskedyul na ito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share