Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/03 p. 1
  • Nakagiginhawa ang Komendasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nakagiginhawa ang Komendasyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • “Ang Salita sa Tamang Panahon, O Anong Buti!”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Laging Isaisip ang Kahalagahan ng Komendasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Magpakita ng Personal na Interes—Sa Pamamagitan ng Pagbibigay ng Komendasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Bakit Mahalagang Magbigay ng Komendasyon?
    Gumising!—2012
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 11/03 p. 1

Nakagiginhawa ang Komendasyon

1 “Hindi ba ako naging mabait ngayong araw na ito?” ang hikbi ng batang babae nang matutulog na ito. Nabigla ang kaniyang nanay sa tanong na iyon. Bagaman napansin niyang nagsikap nang mabuti na magpakabait ang kaniyang anak na babae nang araw na iyon, nakalimutan niyang papurihan man lamang ito. Ang mga luha ng batang babaing iyon ay dapat maging paalaala na tayong lahat​—bata at matanda​—ay nangangailangan ng komendasyon. Nakapagbibigay ba tayo ng kaginhawahan sa mga kasama natin sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pagpapahalaga sa mabuting nagawa nila?​—Kaw. 25:11.

2 Ang mga kapuwa Kristiyano ay nagbibigay sa atin ng maraming mabubuting dahilan upang bigyan sila ng komendasyon. Ang matatanda, mga ministeryal na lingkod, at mga payunir ay nagpapagal sa pagtupad sa kanilang mga pananagutan. (1 Tim. 4:​10; 5:17) Ginagawa ng mga magulang na may takot sa Diyos ang kanilang buong makakaya upang palakihin ang kanilang mga anak sa mga daan ni Jehova. (Efe. 6:4) Ang mga kabataang Kristiyano ay puspusang nakikipagpunyagi upang labanan “ang espiritu ng sanlibutan.” (1 Cor. 2:12; Efe. 2:1-3) Ang iba naman ay buong-katapatang naglilingkod kay Jehova sa kabila ng pagtanda, problema sa kalusugan, o iba pang mga pagsubok. (2 Cor. 12:7) Ang lahat ng mga ito ay nararapat sa komendasyon. Pinasasalamatan ba natin ang kanilang kapuri-puring mga pagsisikap?

3 Personal at Espesipiko: Totoong pinahahalagahan nating lahat na makarinig ng komendasyon mula sa plataporma. Gayunman, ang komendasyon ay higit na nakagiginhawa kung ito ay personal na sasabihin sa atin. Halimbawa, sa kabanata 16 ng kaniyang liham sa mga taga-Roma, bumanggit si Pablo ng espesipikong mga kapahayagan ng pagpapahalaga may kaugnayan kina Febe, Prisca at Aquila, Trifena at Trifosa, at Persis, bukod sa iba pa. (Roma 16:1-4, 12) Tunay ngang nakagiginhawa ang kaniyang mga pananalita sa tapat na mga indibiduwal na iyon! Ang gayong papuri ay nagbibigay-katiyakan sa ating mga kapatid na sila ay kailangan at nakatutulong upang lalo tayong mapalapít sa kanila. Nakapagbigay ka ba ng espesipiko at personal na komendasyon kamakailan?​—Efe. 4:29.

4 Mula sa Puso: Upang maging tunay na nakagiginhawa, dapat ay taimtim ang komendasyon. Mahahalata ng mga tao kung mula sa puso ang ating sinasabi o tayo’y ‘labis lamang na mapamuri sa pamamagitan ng ating dila.’ (Kaw. 28:23) Habang sinasanay natin ang ating sarili na mapansin ang mabuti sa iba, mapakikilos ang ating puso na magbigay ng komendasyon. Maging bukas-palad nawa tayo sa pagbibigay ng tunay na komendasyon, sa pagkaalam na “ang salita sa tamang panahon, O anong buti!”​—Kaw. 15:23.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share