Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/04 p. 4
  • Tularan ang Pangkaisipang Saloobin ni Jesus

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tularan ang Pangkaisipang Saloobin ni Jesus
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Ipaaninag ang Pangkaisipang Saloobin ni Kristo!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Tularan ang Pagiging Mapagsakripisyo ni Jesus
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Isang Kapuri-puring Tunguhin Para sa Bagong Taon ng Paglilingkod
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Napakikilos Tayo ng Pag-ibig ni Kristo na Magpakita ng Pag-ibig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 4/04 p. 4

Tularan ang Pangkaisipang Saloobin ni Jesus

1. Anong pangkaisipang saloobin ang ipinamalas ni Jesus?

1 Bagaman hindi natin kailanman nakita ang Anak ng Diyos, sa pamamagitan ng nakasulat na rekord ng buhay at ministeryo ni Jesus, nakadarama tayo ng pag-ibig sa kaniya. (1 Ped. 1:8) Bilang pagsunod sa kalooban ng kaniyang Ama, iniwan niya ang mataas na posisyon sa langit at bumaba sa lupa. Bilang isang tao, walang-pag-iimbot siyang naglingkod sa iba at pagkatapos ay ibinigay ang kaniyang buhay alang-alang sa sangkatauhan. (Mat. 20:28) Hinihimok tayo ng Salita ng Diyos: “Panatilihin ninyo sa inyo ang pangkaisipang saloobing ito na nasa kay Kristo Jesus din.” Paano kaya natin matutularan ang kaniyang mapagsakripisyong espiritu?​—Fil. 2:5-8.

2. Anong hamon ang napapaharap sa maraming Kristiyano, at ano ang makatutulong sa kanila na mapagtagumpayan ito?

2 Kapag Napapagod: Kahit sakdal si Jesus, napagod din siya. Minsan, kahit na siya’y “pagod dahil sa paglalakbay,” nagpatotoo pa rin siya nang lubusan sa isang Samaritana. (Juan 4:6) Maraming Kristiyano sa ngayon ang napapaharap sa katulad na hamon. Pagkatapos ng nakapapagod na isang linggong pagtatrabaho, baka mahirap nang magkaroon pa ng lakas na makibahagi sa gawaing pangangaral. Gayunman, kung regular tayong makikibahagi, masusumpungan nating nakagiginhawa ang Kristiyanong ministeryo.​—Juan 4:32-34.

3. Paano natin matutularan si Jesus sa pagiging handang magturo?

3 Minsan naman, patungo noon si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa isang liblib na dako upang magpahinga nang kaunti. Subalit nalaman ito ng mga tao at inunahan sila roon. Sa halip na mainis, “nahabag [si Jesus] sa kanila” at nagsimulang “magturo sa kanila ng maraming bagay.” (Mar. 6:30-34) Ganito ring saloobin ang kailangan sa pagbubukas at pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya. Kailangan dito ang matiyagang pagsisikap at tunay na pag-ibig sa mga tao. Kung wala ka pang idinaraos na pag-aaral sa Bibliya, huwag kang magsasawa sa pagsisikap na makasumpong ng isa.

4. Paano makatutulong sa atin ang pag-o-auxiliary pioneer na matularan ang pangkaisipang saloobin ni Kristo?

4 Unahin ang Espirituwal na mga Kapakanan: Ang pag-o-auxiliary pioneer ay makatutulong sa atin na magtuon ng higit na pansin sa espirituwal na mga gawain. Sumulat ang isang kabataang sister: “Ang nanay ng isa sa aking mga kaibigan ay humimok sa aming dalawa na mag-auxiliary pioneer nang isang buwan kasama niya. Mabuti na lamang at sumama kami sa kaniya. Natuwa ako na higit kong nakilala ang mga kapatid, at hindi nga nagtagal ay para ko na rin silang kapamilya. Ikinatuwa ko rin ang pagkakaroon ng mas maraming pagkakataon na ipakipag-usap sa iba ang tungkol kay Jehova at ituro sa kanila ang kahanga-hangang mga katotohanan tungkol sa Kaharian. Ang lahat ng ito ay naging dahilan upang higit akong mápalapít kay Jehova at sa kaniyang organisasyon.”​— Awit 34:8.

5. Bakit dapat nating patuloy na sikaping matularan ang pangkaisipang saloobin ni Jesus?

5 Tayong lahat ay nasa gitna ng paglalabanan ng di-sakdal na laman at ng ating pagnanais na mapaluguran si Jehova. (Roma 7:21-23) Dapat nating labanan ang makasariling espiritu ng sanlibutan. (Mat. 16:​22, 23) Tutulungan tayo ni Jehova na mapagtagumpayan ito sa pamamagitan ng kaniyang banal na espiritu. (Gal. 5:​16, 17) Habang hinihintay natin ang ating kaligtasan tungo sa matuwid na bagong sanlibutan ng Diyos, tularan sana natin ang pangkaisipang saloobin ni Jesus sa pamamagitan ng pag-una sa mga kapakanan ng Kaharian at sa mga kapakanan ng iba bago ang sa atin.​—Mat. 6:33; Roma 15:1-3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share