Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/04 p. 1
  • Ipakita ang Iyong Pasasalamat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipakita ang Iyong Pasasalamat
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Kaparehong Materyal
  • “Ipakita Ninyong Kayo’y Mapagpasalamat”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • “Ipakita Ninyong Kayo ay Mapagpasalamat”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • ‘Ipakita na Kayo ay Mapagpasalamat’
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Nagpapasalamat sa Kung ano ang Taglay Natin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 5/04 p. 1

Ipakita ang Iyong Pasasalamat

1 Bagaman nabubuhay tayo sa “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan,” marami tayong dahilan upang maging mapagpasalamat kay Jehova. (2 Tim. 3:1) Pangunahin sa mga ito ang mahalagang kaloob ng kaniyang Anak para sa atin. (Juan 3:16) Karagdagan pa, samantalang nagugutom sa espirituwal ang mga kabilang sa huwad na relihiyon, nagtatamasa naman tayo ng saganang espirituwal na pagkain. (Isa. 65:13) Bahagi tayo ng pambuong-daigdig na kapatiran at may pribilehiyong makibahagi sa kapana-panabik na pagpapalawak ng tunay na pagsamba. (Isa. 2:​3, 4; 60:4-10, 22) Paano natin maipakikita ang ating pasasalamat kay Jehova sa mga pagpapala na saganang ipinagkakaloob niya sa atin?​—Col. 3:​15, 17.

2 May-Kagalakan at Buong-Pusong Paglilingkod: Nang tinatalakay ang hinggil sa materyal na pagbibigay, isinulat ni apostol Pablo: “Iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.” (2 Cor. 9:7) Kumakapit din ang simulaing ito sa ating paglilingkod sa Diyos. Masasalamin ang ating pasasalamat sa kasigasigan natin sa katotohanan, sa ating kagalakan sa mga Kristiyanong pagpupulong, sa ating sigasig sa ministeryo sa larangan, at sa ating pagiging masayahin habang ginagawa ang kalooban ng Diyos.​—Awit 107:​21, 22; 119:14; 122:1; Roma 12:​8, 11.

3 Sa sinaunang Israel, ang Kautusan ay hindi nagtatakda ng espesipikong dami para sa ilang handog. Maipakikita ng bawat mananamba ang kaniyang pasasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay ng “katumbas ng pagpapala ni Jehova” na kaniyang tinanggap. (Deut. 16:​16, 17) Sa katulad na paraan sa ngayon, uudyukan tayo ng mapagpasalamat na puso na gawin ang ating buong makakaya sa gawaing pangangaral ng Kaharian at paggawa ng mga alagad ayon sa ipinahihintulot ng ating kalagayan. Ang buwan ng Mayo ay magbibigay sa atin ng isa pang mainam na pagkakataon upang ipakita ang ating pasasalamat. Magagawa ng ilan na samantalahin ang kanilang bakasyon sa paaralan upang makapag-auxiliary pioneer, samantalang maaari namang gumugol ng higit na panahon sa paglilingkod sa larangan ang ilan habang kaayaaya ang lagay ng panahon. Mapalalawak mo ba ang iyong ministeryo sa buwang ito?

4 Nag-uumapaw sa Pasasalamat: Ang isang napakahalagang paraan na maipahahayag natin ang ating pasasalamat kay Jehova ay sa panalangin. (1 Tes. 5:​17, 18) Hinihimok tayo ng Salita ng Diyos na ‘mag-umapaw sa pasasalamat taglay ang pananampalataya.’ (Col. 2:7) Kahit na tayo’y abalang-abala o nakadarama ng kaigtingan, dapat na lagi nating ilakip ang pasasalamat sa ating mga panalangin sa araw-araw. (Fil. 4:6) Oo, sa pamamagitan ng ating ministeryo at ng ating mga panalangin, ‘maging mayaman nawa tayo sa maraming kapahayagan ng pasasalamat sa Diyos.’​—2 Cor. 9:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share