Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/05 p. 1
  • Edukasyong Umaakay sa Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Edukasyong Umaakay sa Buhay
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Pananaw ng mga Saksi ni Jehova sa Edukasyon?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Edukasyon—Gamitin Ito sa Pagpuri kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Hindi ba Inirerekomenda ng Bibliya ang Edukasyon?
    Gumising!—1998
  • Nakahihigit ang Edukasyong Mula sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 12/05 p. 1

Edukasyong Umaakay sa Buhay

1 Tunay na kasiya-siya ngang makita ang ningning sa mga mata ng mga tao kapag nauunawaan nila ang katotohanan mula sa Salita ng Diyos! Talagang nakalulugod na ibahagi sa iba ang kaalaman sa Diyos at ang kaniyang layunin para sa sangkatauhan. Ang gayong edukasyon ay maaaring umakay sa isa na magtamo ng buhay na walang hanggan.—Juan 17:3.

2 Kung Bakit Ito Nakahihigit: Ang edukasyon ay makukuha sa ngayon sa halos lahat ng paraan at sa lahat ng paksang maiisip natin. (Ecles. 12:12) Pero hindi matutumbasan ng gayong kaalaman ang halaga ng “mariringal na mga bagay ng Diyos.” (Gawa 2:11) Nakatulong ba ang edukasyong iniaalok ng sanlibutan upang maging mas malapít sa Maylalang ang sangkatauhan at malaman ang kaniyang layunin? Nakatulong ba ito sa mga tao na maunawaan kung ano ang nangyayari kapag tayo ay namatay o kung bakit napakaraming nagdurusa? Nakapagbigay ba ito ng pag-asa sa mga tao? Nakatulong ba ito upang maging mas maayos ang pamilya? Hindi. Ang edukasyon lamang mula sa Diyos ang talagang makasasagot sa pinakamahahalagang katanungan natin sa buhay.

3 Inilalaan ng edukasyon mula sa Diyos ang isang bagay na kulang na kulang sa sanlibutan sa ngayon—ang pagpapasulong ng pamantayang moral ng isa. Lubusang inaalis ng Salita ng Diyos ang nasyonalismo at pagtatangi ng lahi at tribo mula sa puso ng mga tumatanggap at nagkakapit sa mga turo nito. (Heb. 4:12) Pinakilos nito ang mga tao na itakwil ang lahat ng uri ng karahasan at ‘damtan ang kanilang sarili ng bagong personalidad.’ (Col. 3:9-11; Mik. 4:1-3) Karagdagan pa, dahil sa edukasyon mula sa Diyos, nagkaroon ng lakas ang milyun-milyon upang madaig ang mga paggawi at kaugaliang mahirap alisin at hindi nakalulugod sa Diyos.—1 Cor. 6:9-11.

4 Kung Bakit Apurahan Ngayon: Binababalaan tayo ng ating Dakilang Tagapagturo hinggil sa kahulugan ng panahong kinabubuhayan natin. Ang kaniyang makahulang mga kahatulan ay naglalaman ng napapanahong impormasyon na dapat ipahayag sa buong lupa. (Apoc. 14:6, 7) Si Kristo ay namamahala na sa langit, malapit nang wasakin ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, at nakahanda na ang Kaharian ng Diyos na lipulin ang lahat ng makalupang pamahalaan. (Dan. 2:44; Apoc. 11:15; 17:16) Kaya kailangang-kailangan ng mga tao na kilalanin ang namamahala-nang Hari ng Diyos, lumabas sa Babilonyang Dakila, at tumawag sa pangalan ni Jehova nang may pananampalataya. (Awit 2:11, 12; Roma 10:13; Apoc. 18:4) Lubusan nawa tayong makibahagi sa pagtuturo sa iba ng edukasyong umaakay sa buhay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share