Isang Halimbawa Para sa Bata’t Matanda
Magiliw at malapít ang kaugnayan niya sa Diyos. Itinalaga niya ang kaniyang buhay sa paggawa ng kalooban ni Jehova. Siya ay “lumakad na kasama ng tunay na Diyos” at pinagpala sa paggawa nito. Siya si Noe, isang halimbawa na karapat-dapat tularan ng bata’t matanda. (Gen. 6:9) Ang video na Noah—He Walked With God ay tutulong sa iyo na ilarawan sa isipan kung ano ang naging buhay ni Noe, kung bakit siya karapat-dapat sa pagpapala ni Jehova, at kung paano mo matutularan ang kaniyang mabubuting katangian.
Kalakip sa edisyong DVD ng video na Noah ang sumusunod na maikling pagsusulit. Panoorin ang video, at saka subukin kung masasagot mo ang mga tanong na ito: (1) Ano ang maling ginawa ng ilang anghel, at sino ang mga Nefilim? (Gen. 6:1, 2, 4) (2) Bakit naging napakasama ng mga tao, at ano ang nadama ng Diyos hinggil dito? (Gen. 6:4-6) (3) Paano naiiba si Noe? (Gen. 6:22) (4) Paano pinuksa ang masasama? (Gen. 6:17) (5) Gaano kalaki ang arka? (Gen. 6:15) (6) Ano pa ang ginawa ni Noe, at paano tumugon ang mga tao? (Mat. 24:38, 39; 2 Ped. 2:5) (7) Ilan sa bawat uri ng hayop ang nasa loob ng arka? (Gen. 7:2, 3, 8, 9) (8) Gaano katagal umulan, at gaano katagal inapawan ng baha ang lupa? (Gen. 7:11, 12; 8:3, 4) (9) Bakit nakaligtas si Noe at ang kaniyang pamilya? (Gen. 6:18, 22; 7:5) (10) Saan lumapag ang arka? (Gen. 8:4) (11) Paano nalaman ni Noe na ligtas nang lumabas ng arka? (Gen. 8:6-12) (12) Ano ang ginawa ni Noe paglabas niya ng arka? (Gen. 8:20-22) (13) Sa ano kumakatawan ang bahaghari? (Gen. 9:8-16) (14) Ano ang ibig sabihin ng ‘lumakad na kasama ng Diyos’? (Gen. 6:9, 22; 7:5) (15) Ano ang dapat nating gawin upang makita si Noe sa Paraiso? (Mat. 28:19, 20; 1 Ped. 2:21)
Ano ang natutuhan mo sa ulat ng Bibliya tungkol sa tapat at masunuring si Noe kung paano ka ‘makalalakad na kasama ng Diyos’ at makapagtitiwala sa kakayahan ni Jehova na magligtas sa kaniyang bayan sa ngayon?—Gen. 7:1; Kaw. 10:16; Heb. 11:7; 2 Ped. 2:9.