Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/06 p. 7
  • Isang Video na Dapat Pag-isipang Mabuti

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Video na Dapat Pag-isipang Mabuti
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Masiglang Pagtugon!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Young People Ask—How Can I Make Real Friends?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Piliing Mabuti ang mga Kaibigan Mo
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Mga Saksi ni Jehova—Ang Organisasyon sa Likod ng Pangalan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 9/06 p. 7

Isang Video na Dapat Pag-isipang Mabuti

1 Ilang taon na ang nakalilipas, nawala ang interes ng isang kabataang brother sa katotohanan at ang kaniyang kaugnayan kay Jehova dahil sa impluwensiya ng pinili niyang mga kaibigan. Pagkaraan ay inilabas ang video na Young People Ask—How Can I Make Real Friends? Isinulat niya: “Umiiyak ako habang paulit-ulit kong pinanonood ang video. Pinasalamatan ko si Jehova dahil sa tulong sa tamang panahon.” Pinasigla siya ng video na magbagong-buhay at pumili ng tamang mga kaibigan. Dagdag pa niya: “Maliwanag na alam ninyo ang nakaiimpluwensiya sa mga kabataan sa panahon ngayon.” Kayong mga magulang at mga kabataan, bakit hindi ninyo panoorin muli ang video sa susunod ninyong pampamilyang pag-aaral at sama-samang pag-usapan ang mga tanong sa susunod na mga parapo?

2 Introduksiyon: Ano ang isang tunay na kaibigan?—Kaw. 18:24.

3 Mga Hadlang sa Pakikipagkaibigan: Paano mo mapagtatagumpayan ang pagkadama na ikaw ay napag-iiwanan? (Fil. 2:4) Bakit dapat kang maghangad na mapasulong ang iyong personalidad, at sino ang makatutulong sa iyo na gawin iyan? Ano ang magbubukas ng mga pagkakataon upang magkaroon ng mas maraming kaibigan, at saan mo sila matatagpuan?—2 Cor. 6:13.

4 Pakikipagkaibigan sa Diyos: Paano ka magkakaroon ng mas malapít na kaugnayan kay Jehova at bakit sulit ang pagsisikap? (Awit 34:8) Sino ang higit na makapagpapatibay sa iyong pakikipagkaibigan sa Diyos?

5 Maling Uri ng mga Kaibigan: Sino ang masasamang kasama? (1 Cor. 15:33) Paanong ang maling kaibigan ay aakay sa isa tungo sa espirituwal na kapahamakan? Ano ang itinuturo sa iyo ng ulat ng Bibliya tungkol kay Dina?—Gen. 34:1, 2, 7, 19.

6 Makabagong-Panahong Drama: Paano nakaapekto kay Tara ang kalungkutan? Paano niya binigyang-katuwiran ang pakikisama sa makasanlibutang mga kabataan? Sa anong mga panganib nila siya inilantad? Bakit hindi nakita ng kaniyang mga magulang ang panganib na kinaroroonan niya, subalit paano nila binago ang kanilang saloobin upang matulungan siyang makapanumbalik sa espirituwal? Paano napatunayang tunay na kaibigan ni Tara ang isang kapatid na babaing payunir? Bakit dapat sundin ng mga Kristiyano ang Kawikaan 13:20 at Jeremias 17:9? Anong mahalagang aral ang natutuhan ni Tara?

7 Konklusyon: Anu-anong aral ang natutuhan mo sa video na ito? Paano mo ito magagamit sa pagtulong sa iba?—Awit 71:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share