Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/06 p. 8
  • Pagpapatotoo sa Bahay-bahay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapatotoo sa Bahay-bahay
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Kaparehong Materyal
  • Magturo sa Madla at sa Bahay-bahay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Ministeryo sa Bahay-bahay—Bakit Mahalaga sa Ngayon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Pagpapakita ng Pagpapahalaga sa Dalawang Pinakadakilang Kapahayagan ng Pag-ibig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Walang Tigil sa Pagbabahay-Bahay
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 9/06 p. 8

Pagpapatotoo sa Bahay-bahay

1. Anong tanong ang bumabangon kaugnay ng ministeryo sa bahay-bahay, at bakit?

1 “Yaong mga makaranasan sa iba’t ibang paraan ng pagpapalaganap ng Katotohanan ay sasang-ayon na ang pangangaral sa bahay-bahay gamit ang MILLENNIAL DAWN, sa kasalukuyan, ang pinakamabisang paraan ng pangangaral ng Katotohanan.” Ang pangungusap na iyan sa isyu ng Zion’s Watch Tower, Hulyo 1, 1893 ay nagtampok sa kahalagahan ng ministeryo sa bahay-bahay. Itinuturing ito ng mga tao sa buong daigdig bilang pagkakakilanlan ng mga Saksi ni Jehova. Mahalaga pa rin ba ang paraang ito, yamang mas mahirap na ngayong matagpuan ang mga tao sa kanilang bahay sa maraming lupain?

2. Ano ang maka-Kasulatang saligan ng pagpapatotoo sa bahay-bahay?

2 Maka-Kasulatan at Mahalaga: Maka-Kasulatan ang pagpapatotoo sa bahay-bahay. Tinagubilinan ni Jesus ang 70 alagad na pumunta nang dala-dalawa sa bahay ng mga tao. (Luc. 10:5-7) Di-nagtagal pagkamatay ni Jesus, ganito ang sabi ng Bibliya tungkol sa kaniyang mga alagad: “Bawat araw sa templo at sa bahay-bahay ay nagpatuloy sila nang walang humpay sa pagtuturo at pagpapahayag ng mabuting balita.” (Gawa 5:42) Masigasig ding nagturo si apostol Pablo sa bahay-bahay.—Gawa 20:20.

3. Ano ang ilang kabutihan ng pagpapatotoo sa bahay-bahay?

3 Ang pagpapatotoo sa bahay-bahay ay mahalagang paraan pa rin sa pagpapalaganap ng mabuting balita sa ngayon. Tinutulungan tayo nito na “hanapin” ang mga karapat-dapat sa maayos at sistematikong paraan. (Mat. 10:11) Karaniwan nang mas relaks ang mga tao sa kanilang bahay. Kung nakikipag-usap tayo sa kanila nang harapan—naririnig ang kanilang tinig, nakikita ang ekspresyon ng kanilang mukha, at napapansin ang kanilang kapaligiran—nalalaman natin ang kanilang interes at mga ikinababahala. Madalas na nagbibigay ito ng napakagandang pagkakataon para sa mahabang pag-uusap.

4. Paano natin gagawing mas mabunga ang pagpapatotoo sa bahay-bahay?

4 Gumawa ng Personal na mga Pagbabago: Handa si apostol Pablo na gumawa ng personal na mga pagbabago “alang-alang sa mabuting balita.” (1 Cor. 9:23) Baka puwede nating baguhin ang ating iskedyul ng pangangaral sa panahong nasa bahay na ang mga tao, gaya ng sa bandang hapon, dulo ng sanlinggo, o pista opisyal. Ilista ang mga wala sa bahay, at balikan sa ibang araw ng sanlinggo o sa ibang oras.

5. Paano maisasama sa pagbabahay-bahay yaong mga may limitasyon dahil sa mahinang pangangatawan?

5 Maaari pa ring makibahagi sa pangangaral sa bahay-bahay kahit yaong mga may limitasyon dahil sa mahinang pangangatawan. Puwede nating isaayos na maisama sila sa mga bahay na madaling puntahan upang makagawa sila ayon sa kanilang kakayahan. Isang bahay lamang kada kalahating oras ang napupuntahan ng isang sister na madaling hingalin. Pero tuwang-tuwa at masayang-masaya siya nang makasama siya sa grupo!

6. Bakit natin dapat gawing regular na bahagi ng ating ministeryo ang pagpapatotoo sa bahay-bahay?

6 Marami pa ring nasusumpungang tulad-tupang mga tao sa pagbabahay-bahay. Isang mamamahayag ang kumatok sa pinto at sinabihan: “Tuloy ka. Kilala kita. Nagdadasal ako na may ipadala sana ang Diyos para tulungan ako, at nakarinig nga ako ng katok sa pinto. Dininig niya ako at ipinadala ka.” Ang mga resulta ay katibayan na pinagpapala ni Jehova ang paraang ito ng pangangaral. (Mat. 11:19) Maging determinado na gawing regular na bahagi ng iyong ministeryo ang pagpapatotoo sa bahay-bahay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share