Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/07 p. 1
  • “Siya ay Nagbibigay ng Lakas sa Pagod”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Siya ay Nagbibigay ng Lakas sa Pagod”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Pinalalakas ni Jehova ang Pagod
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Si Jehova ay Nagbibigay ng Lakas sa Napapagod
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Pagpapanumbalik-Lakas, Hindi Panghihina
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • “Siya ay Nagbibigay ng Lakas sa Pagod”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 5/07 p. 1

“Siya ay Nagbibigay ng Lakas sa Pagod”

1 Lahat tayo ay napapagod sa pana-panahon. Napapagod tayo hindi lamang dahil sa trabaho o iba pang gawain kundi dahil din sa mga suliraning napapaharap sa atin sa ‘mga panahong ito na mapanganib at mahirap pakitunguhan.’ (2 Tim. 3:1) Bilang mga lingkod ni Jehova, paano tayo nagkakaroon ng kinakailangang espirituwal na lakas para hindi tayo manghimagod sa ating ministeryo? Nagkakaroon tayo nito kapag umaasa tayo sa isa na ‘malakas ang kapangyarihan,’ si Jehova. (Isa. 40:26) Alam niya ang ating mga pangangailangan at talagang gusto niya tayong tulungan.—1 Ped. 5:7.

2 Mga Paglalaan ni Jehova: Pinalalakas tayo ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang banal na espiritu, ang di-mahahadlangang puwersa na ginamit din niya sa paglalang ng uniberso. Tinutulungan tayo ng espiritu ng Diyos para ‘magpanibagong-lakas’ kapag nanlulupaypay tayo. (Isa. 40:31) Tanungin ang iyong sarili, ‘Kailan ko huling espesipikong ipinanalangin na palakasin ako ng banal na espiritu para magampanan ko ang aking mga pananagutan bilang Kristiyano?’—Luc. 11:11-13.

3 Kung araw-araw nating babasahin at bubulay-bulayin ang kinasihang Salita ng Diyos at palalakasin natin sa espirituwal ang ating sarili sa pamamagitan ng regular na pag-aaral ng ating mga publikasyong Kristiyano, magiging tulad tayo ng mayabong na “punungkahoy na nakatanim sa tabi ng mga daloy ng tubig, na nagbibigay ng sariling bunga nito sa kaniyang kapanahunan at ang mga dahon nito ay hindi nalalanta.”—Awit 1:2, 3.

4 Ginagamit din ni Jehova ang ating mga kapananampalataya, na maaaring maging “tulong na nagpapalakas” sa atin. (Col. 4:10, 11) Pinalalakas nila tayo sa mga pulong sa kongregasyon sa pamamagitan ng kanilang nakapagpapatibay na pakikipag-usap, komento, at pahayag. (Gawa 15:32) Ang mga Kristiyanong elder lalo na ang nagbibigay ng espirituwal na tulong at pampatibay-loob na nakapagpapaginhawa.—Isa. 32:1, 2.

5 Ang Ministeryo: Kung nanghihimagod ka, huwag kang huminto sa pangangaral! Di-tulad ng ibang gawain, ang regular na pakikibahagi sa ministeryo ay talagang nakarerepresko sa atin. (Mat. 11:28-30) Tumutulong ang pangangaral ng mabuting balita upang maituon natin ang ating pansin sa Kaharian ng Diyos at laging maisaisip ang kamangha-manghang pag-asang buhay na walang hanggan.

6 Marami pang kailangang gawin bago wasakin ang balakyot na sistemang ito. May dahilan tayong manatiling masigasig sa ating paglilingkod, habang “umaasa sa lakas na inilalaan ng Diyos.” (1 Ped. 4:11) Matatapos natin ang ating gawain sa tulong ni Jehova, sapagkat “siya ay nagbibigay ng lakas sa pagod.”—Isa. 40:29.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share