Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/07 p. 1
  • Patuloy na ‘Mamunga Nang Marami’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Patuloy na ‘Mamunga Nang Marami’
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Patuloy Kayong Mamunga Nang Marami’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Pagtatamasa ng Matalik na Kaugnayan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Mga Sangang Namumunga at mga Kaibigan ni Jesus
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • “Alagaan Mo ang Punong Ubas na Ito”!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 6/07 p. 1

Patuloy na ‘Mamunga Nang Marami’

1 Sa makasagisag na mga pananalita, inihalintulad ni Jesus ang kaniyang sarili sa tunay na punong ubas, ang kaniyang Ama sa Tagapagsaka, at ang kaniyang pinahiran-ng-espiritung mga tagasunod naman sa mabungang mga sanga ng punong ubas. Nang ilarawan ni Jesus ang gawain ng makasagisag na Tagapagsaka, idiniin niya ang kahalagahan ng pananatiling bahagi ng punong ubas. (Juan 15:1-4) Maliwanag ang aral: Lahat ng may malapít na personal na kaugnayan kay Jehova ay dapat na maging gaya ng isang mabungang sanga ng “tunay na punong ubas,” si Jesu-Kristo. Kailangan tayong patuloy na mamunga nang sagana kapuwa ng “mga bunga ng espiritu” at ng mga bunga ng Kaharian.—Gal. 5:22, 23; Mat. 24:14; 28:19, 20.

2 Mga Bunga ng Espiritu: Masusukat ang ating pagsulong sa espirituwal pangunahin na kung gaano natin kahusay na ipinakikita ang mga bunga ng espiritu. Sinisikap mo bang linangin ang mga bunga ng espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng regular na pag-aaral at pagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos? (Fil. 1:9-11) Huwag mag-atubiling manalangin para sa banal na espiritu, na makatutulong upang makapagluwal ka ng mga katangian na lumuluwalhati kay Jehova at upang patuloy kang sumulong sa espirituwal.—Luc. 11:13; Juan 13:35.

3 Ang paglinang sa mga bunga ng espiritu ay tutulong din sa atin na maging mas masigasig na ministro. Halimbawa, ang pag-ibig at pananampalataya ay magpapakilos sa atin na maglaan ng panahon upang regular tayong makabahagi sa ministeryo sa kabila ng ating abalang iskedyul. Tumutulong sa atin ang mga katangiang gaya ng kapayapaan, mahabang pagtitiis, kabaitan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili upang mapakitunguhan natin sa tamang paraan ang mga sumasalansang. Dahil sa kagalakan, nasisiyahan tayo sa ministeryo kahit na walang interes ang mga tao.

4 Mga Bunga ng Kaharian: Nais din nating magluwal ng mga bunga ng Kaharian. Kasali riyan ang paghahandog ng “hain ng papuri, samakatuwid nga, ang bunga ng mga labi na gumagawa ng pangmadlang pagpapahayag ukol sa . . . pangalan [ni Jehova].” (Heb. 13:15) Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng masigasig at matapat na paghahayag ng mabuting balita. Sinisikap mo bang magluwal ng mas maraming bunga ng Kaharian sa pamamagitan ng pagpapasulong sa iyong ministeryo?

5 Binanggit ni Jesus na iba-iba ang dami ng magiging bunga ng kaniyang tapat na mga tagasunod. (Mat. 13:23) Kaya nga, hindi natin dapat ihambing ang ating sarili sa iba. Sa halip, ibigay natin kay Jehova ang ating buong makakaya. (Gal. 6:4) Makatutulong sa atin ang tapatang pagsusuri sa ating kalagayan gamit ang Salita ng Diyos upang patuloy nating maluwalhati si Jehova sa pamamagitan ng ‘pamumunga nang marami.’—Juan 15:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share