Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/07 p. 3
  • Bagong Programa ng Araw ng Pantanging Asamblea

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bagong Programa ng Araw ng Pantanging Asamblea
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Magpapalayok
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Magpapalayok
    Glosari
  • Ang Dakilang Magpapalayok at ang Kaniyang Gawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Pahalagahan si Jehova Bilang Ating Magpapalayok
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 12/07 p. 3

Bagong Programa ng Araw ng Pantanging Asamblea

Ang tema ng programa ng araw ng pantanging asamblea para sa 2008 ay “Tayo ang Luwad—Si Jehova ang Ating Magpapalayok,” batay sa Isaias 64:8. Sa programang ito, pasisidhiin ng payo ng Bibliya ang ating pagpapahalaga sa karunungan, katarungan, kapangyarihan, at pag-ibig ni Jehova bilang ang Dakilang Magpapalayok.

Ipakikita ng pahayag ng tagapangasiwa ng sirkito na pinamagatang “Naglilingkod Bilang mga Sisidlan Para sa Marangal na Gamit sa Ministeryo,” kung paanong parami nang paraming tao ang saganang pinagpapala dahil sa pagkaalam ng katotohanan at pagbabahagi nito sa iba. Tatalakayin ng pahayag na “Ang Pagbubulay-bulay ay Mag-iingat sa Iyo” kung paano tayo ipinagsasanggalang ng pagbubulay-bulay sa matuwid na mga simulain ni Jehova. Ipapahayag ng dumadalaw na tagapagsalita ang mga temang pinamagatang “Hindi ‘Nagpapahubog sa Sistemang Ito ng mga Bagay’” at “Magpahubog sa Dakilang Magpapalayok.” Mapasisigla ang mga magulang at ang mga kabataan sa mga bahaging “Mga Kabataang Mahalaga kay Jehova” at “Ang Napakahalagang Papel ng mga Magulang sa Paghubog sa Kanilang mga Anak.” Sa pamamagitan ng mga pagtatanghal at panayam, matutuwa tayong mapakinggan at makita kung ano ang naisasagawa ng ating mga kapatid sa kanilang ministeryo. Ang mga nagnanais sagisagan ang kanilang pag-aalay sa Diyos sa pamamagitan ng bautismo sa tubig ay dapat magsabi sa punong tagapangasiwa sa lalong madaling panahon. Tiyaking dalhin ang inyong kopya ng isyu ng Ang Bantayan na pag-aaralan sa linggo ng araw ng pantanging asamblea.

Anuman ang nilalayong gawin ng Dakilang Magpapalayok ay kaniyang tinutupad. Ngunit dapat piliin ng bawat isa sa atin kung paano tayo tutugon sa kaniyang paghubog. Gaya ng isang limpak na luwad sa kamay ng magpapalayok, ang mga may-katalinuhang nagpapahubog sa mga pamantayan at pagtutuwid ni Jehova ay maaaring hubugin, pakinisin, at gawing kapaki-pakinabang na mga sisidlan. Kapag nagpapahubog tayo kay Jehova, naluluwalhati natin ang kaniyang soberanya at tumatanggap tayo ng maraming pagpapala.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share