Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/08 p. 6
  • Ipinagpapaliban Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipinagpapaliban Mo Ba?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Kaparehong Materyal
  • Ipinagpapaliban Mo Ba?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Video na Nagtatampok sa Isang Mahalagang Kalakaran sa Paggamot
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Handa Ka ba sa Medical Emergency?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Alam Mo Ba ang Iyong mga Mapagpipilian?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 1/08 p. 6

Ipinagpapaliban Mo Ba?

Napunan mo na ba ang DPA (durable power of attorney) card para sa bautisadong mga Saksi, o ipinagpapaliban mo ito? Yamang “hindi [mo] nalalaman kung ano ang magiging buhay [mo] bukas,” napakahalagang magpasiya nang patiuna at isulat kung anong paggamot ang tatanggapin mo sa panahon ng emergency. (Sant. 4:14; Gawa 15:28, 29) Upang tulungan ka, ginawa ang video na Transfusion-Alternative Health Care—Meeting Patient Needs and Rights. Panoorin ito, at saka may-pananalanging repasuhin ang natutuhan mo sa tulong ng mga tanong sa ibaba.—Pansinin: Dahil ang video ay may maiikling eksena ng pag-oopera, dapat pag-isipan ng mga magulang kung isasama nila ang kanilang mga anak sa panonood nito.

(1) Bakit muling sinusuri ng ilang nasa larangan ng medisina ang pagsasalin ng dugo? (2) Magbigay ng tatlong halimbawa ng masalimuot na operasyon na maaaring gawin nang walang pagsasalin ng dugo. (3) Gaano karaming doktor at siruhano sa buong daigdig ang nagsabing handa nilang gamutin ang mga pasyente nang walang pagsasalin ng dugo? Bakit handa silang gawin ito? (4) Ano ang isiniwalat kamakailan sa mga pag-aaral sa ospital hinggil sa paggamit ng dugo? (5) Anu-anong panganib sa paggamot ang kaakibat ng pagsasalin ng dugo? (6) Ano ang naging konklusyon ng maraming eksperto hinggil sa mga kapakinabangan ng mga alternatibo sa pagsasalin ng dugo? (7) Ano ang sanhi ng anemya? Hanggang saang antas ito makakayanan ng isang tao? Ano ang magagawa hinggil dito? (8) Paano mapabibilis ang pagdami ng mga pulang selula sa katawan ng pasyente? (9) Anu-anong pamamaraan ang ginagamit upang mabawasan ang pagdurugo sa panahon ng operasyon? (10) Mabisa ba ang mga alternatibo sa pagsasalin ng dugo sa mga bata at sa mga taong nag-aagaw-buhay? (11) Ano ang isa sa mga pangunahing simulain sa etika ng mabuting paggamot? (12) Bakit mahalaga na patiunang magpasiya ang mga Kristiyano kung anong paggamot nang walang dugo ang tatanggapin nila? Paano natin ito magagawa?

Ang pagtanggap sa ilang paggamot na itinampok sa video na ito ay personal na pasiya ng bawat isa ayon sa kaniyang budhi na sinanay sa Bibliya. Nakapagpasiya ka na ba kung aling paggamot at pamamaraan ang tatanggapin mo para sa iyong sarili at sa iyong mga anak? Para sa mas detalyadong pagtalakay sa mga bagay na ito, tingnan ang “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” sa mga isyu ng Hunyo 15, 2004 at Oktubre 15, 2000 ng Ang Bantayan at ang insert na “Ano ang Aking Pananaw Tungkol sa Blood Fractions at sa Paggamot na Ginagamitan ng Sarili Kong Dugo?” sa isyu ng Enero 2007 ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Dapat ding malinaw na ipaalam sa iyong piniling kinatawan at sinumang kapamilyang di-Saksi ang iyong desisyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share