Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/08 p. 8
  • Maaari Kang Maging Isang Guro!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maaari Kang Maging Isang Guro!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Kailangan Mong Sanayin ang Iba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Sinasanay ang mga Ministro ng Kaharian
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
  • Sinasanay Tayo ni Jehova Para sa Gawain
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Bahagi 3—Tumulong sa Ikasusulong ng Iba
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 11/08 p. 8

Maaari Kang Maging Isang Guro!

1. Anong natatanging oportunidad ang nakabukas sa lahat ng mamamahayag ng Kaharian?

1 Ang isa sa pinakakasiya-siyang bahagi ng ministeryo ay ang pagtuturo sa isang tao ng katotohanan. Isang napakaligayang karanasan na makita siyang tumutugon sa mensahe ng Kaharian at matulungan siyang mapalapít sa Soberano ng uniberso. (Sant. 4:8) Dapat na maging tunguhin ng lahat ng mamamahayag ng Kaharian na turuan ang mga taong nauuhaw sa katotohanan at tulungan silang gumawa ng malalaking pagbabago sa kanilang pagkatao, pananaw, at paggawi.—Mat. 28:19, 20.

2. Bakit maaaring mag-atubili ang ilan na magdaos ng pag-aaral sa Bibliya, at ano ang tutulong sa kanila na mapagtagumpayan ang problemang ito?

2 Magtiwala kay Jehova: Noong sinaunang panahon, nadama ng ilang tapat na mga lingkod na hindi nila kayang gampanan ang kanilang atas. Ang pagtitiwala sa Diyos na Jehova ang tumulong kina Moises, Jeremias, Amos, at sa iba pang ordinaryong mga tao na mapagtagumpayan ang kanilang mga pag-aalinlangan o pagkadama ng kawalang-kakayahan, at tumulong sa kanila na maisagawa ang kanilang mahahalagang gawain. (Ex. 4:10-12; Jer. 1:6, 7; Amos 7:14, 15) Maging si apostol Pablo ay ‘nag-ipon ng katapangan.’ Paano? Sinabi niya na nagawa niya ito “sa pamamagitan ng ating Diyos.” (1 Tes. 2:2) Oo, lahat tayo ay makapagtitiwala na tutulungan tayo ni Jehova, at bibigyan niya tayo ng karunungan at lakas na kailangan natin upang makapagdaos ng mabungang mga pag-aaral sa Bibliya.—Isa. 41:10; 1 Cor. 1:26, 27; 1 Ped. 4:11.

3, 4. Anong pagsasanay ang inilaan upang matulungan tayo sa pagtuturo ng Salita ng Diyos?

3 Tumanggap ng Pagsasanay: Sinasanay tayo ng ating Dakilang Tagapagturo, ang Diyos na Jehova, sa pamamagitan ng regular na programa ng espirituwal na pagtuturo upang tayo ay maging lubos na may kakayahan bilang mga guro. (Isa. 54:13; 2 Tim. 3:16, 17) Tanggapin ang pagsasanay na ito sa pamamagitan ng paggawa ng iyong buong makakaya para pasulungin ang iyong pagkaunawa sa Kasulatan at ang iyong kakayahan sa pagtuturo ng mga katotohanan mula sa Bibliya. Bagaman ito ang pangunahing layunin ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo at Pulong sa Paglilingkod, ang lahat ng pulong ng kongregasyon ay nakakatulong upang masanay tayong magturo mula sa Salita ng Diyos.

4 Sikaping matutuhan kung paano ituturo sa simpleng paraan ang malalalim na espirituwal na katotohanan. Ganito ang sinasabi ng aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 227: “Dapat mong maunawaang mabuti ang iyong paksa kung gusto mong maunawaan ito ng iba.” Ang pagkokomento sa mga pulong ay tutulong sa atin na matandaan ang pangunahing mga punto na magagamit natin sa hinaharap. Kaya maghandang mabuti. Makakatulong ito upang magkaroon ka ng higit na tiwala sa iyong kakayahang magturo.

5. Anong karagdagang mga pagsasanay sa loob ng kongregasyon ang tutulong sa atin na sumulong bilang mga guro?

5 Mula pa noon, walang alinlangang natuto ang mga ministrong Kristiyano mula sa isa’t isa habang nakikibahagi sila sa paggawa ng alagad. (Luc. 10:1) Kung posible, sumama sa makaranasang mga mamamahayag, pati na sa mga payunir, elder, at mga naglalakbay na tagapangasiwa, sa pagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya. Pansinin kung paano nila ginagamit ang simpleng mga ilustrasyon at iba pang pantulong sa pagtuturo na makikita sa ating mga publikasyon upang ipaliwanag ang mga katotohanan sa Kasulatan. Humingi sa kanila ng mga mungkahi kung paano ka susulong bilang isang guro. (Kaw. 1:5; 27:17) Pahalagahan natin ang lahat ng pagsasanay na ito, sapagkat ang mga ito ay pagsasanay mula sa Diyos.—2 Cor. 3:5.

6. Ano ang pangunahin nang kailangan upang maging isang guro ng Salita ng Diyos?

6 Magtiwala kay Jehova, at makinabang mula sa pagsasanay na inilalaan niya. Idalangin mo sa kaniya ang hangarin mong sumulong. (Awit 25:4, 5) Mararanasan mo rin ang kagalakan sa pagtulong sa isa na maging isang guro ng Salita ng Diyos, gaya mo!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share