Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/11 p. 2
  • Sinasanay Tayo ni Jehova Para sa Gawain

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sinasanay Tayo ni Jehova Para sa Gawain
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Matagumpay na Paaralan na Pambuong-Daigdig
    Gumising!—1995
  • Isang Paaralan na Naghahanda sa Atin Ukol sa Pinakamahahalagang Gawain
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Sinasanay ang mga Ministro ng Kaharian
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
  • Kung Paano Tayo Nakikinabang sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
km 9/11 p. 2

Sinasanay Tayo ni Jehova Para sa Gawain

1. Ano ang ginagawa ni Jehova kapag nag-aatas siya ng gawain sa mga tao?

1 Kapag nag-aatas si Jehova sa mga tao, binibigyan din niya sila ng tagubilin kung paano ito isasagawa. Halimbawa, nang utusan ni Jehova si Noe na gumawa ng arka, na hindi pa niya kailanman nagawa noon, sinabi rin ni Jehova kung paano ito gagawin. (Gen. 6:14-16) Nang ang maamong pastol na si Moises ay atasang lumapit sa matatandang lalaki ng Israel at kay Paraon, tiniyak sa kaniya ni Jehova: “Ako mismo ay sasaiyong bibig at ituturo ko sa iyo kung ano ang dapat mong sabihin.” (Ex. 4:12) Pagdating sa ating atas na ipangaral ang mabuting balita, binibigyan din tayo ni Jehova ng mga tagubilin kung paano ito gagawin. Sinasanay niya tayo sa gawaing ito sa pamamagitan ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo at Pulong sa Paglilingkod. Paano tayo makikinabang dito?

2. Paano tayo makikinabang mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo?

2 Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo: Basahin at pag-aralan ang nakaiskedyul na materyal bago dumalo ng bawat pulong. Habang nakikita mo kung paano ginagamit ng mga estudyante ang impormasyong ito sa kanilang mga pahayag, tatalas ang iyong pang-unawa at kasanayan sa pagtuturo. (Kaw. 27:17) Dalhin sa pulong ang iyong aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo at gamitin ito bilang workbook. Kapag binanggit ng tagapangasiwa sa paaralan ang aklat pagkatapos ng bawat pahayag ng estudyante, salungguhitan ang mga punto na nais mong ikapit, at isulat sa mardyin ng aklat ang iyong mga nota. Pero ang pinakamabuting paraan para makinabang sa paaralang ito ay makibahagi. Nakatala ka na ba sa paaralan? Kapag tumanggap ka ng atas, maghandang mabuti at ikapit ang payong natatanggap mo. Kapag nasa ministeryo, gamitin ang iyong natutuhan.

3. Ano ang tutulong sa atin para makinabang mula sa Pulong sa Paglilingkod?

3 Pulong sa Paglilingkod: Kung patiuna tayong maghahanda para magkomento, mas matatandaan natin ang mga mungkahing inihaharap sa pulong na ito. Kung maikli ang ating komento, mas marami ang makapagkokomento. Bigyang-pansin ang mga pagtatanghal, at gamitin ang anumang mungkahi na inaakala mong magiging mas mabisa sa iyong ministeryo. Ingatan ang mga artikulo mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian na magagamit mong reperensiya sa hinaharap.

4. Bakit dapat nating samantalahin ang teokratikong pagsasanay?

4 Gaya ng mga atas na ibinigay kina Noe at Moises, isang hamon din ang ating atas na ipangaral ang mabuting balita sa buong tinatahanang lupa. (Mat. 24:14) Magtatagumpay tayo kung aasa tayo kay Jehova, ang ating Dakilang Tagapagturo, at sasamantalahin ang pagsasanay na inilalaan niya.—Isa. 30:20.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share