Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Marso 1
“Sasang-ayon ka siguro na mahirap gawin ang tama kapag hinahadlangan ka ng mga kasama mo na gawin ito. Ano sa tingin mo ang makakatulong sa atin na huwag magpadala sa panggigipit ng mga tao? [Hayaang sumagot. Basahin ang Kawikaan 29:25.] Tinatalakay ng artikulong ito ang limang dahilan kung bakit sa Diyos tayo dapat matakot at hindi sa tao.” Itampok ang artikulo sa pahina 12.
Gumising! Marso
“Gusto nating lahat na magkaroon ng mabubuting kaibigan. Ikaw, ano ang gusto mo sa isang kaibigan? [Hayaang sumagot.] Pakinggan mo ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito. [Basahin ang Kawikaan 17:17.] May mga mungkahi sa artikulong ito kung paano pipili ng mabubuting kaibigan at kung paano rin tayo magiging mabuting kaibigan sa iba.” Ipakita ang artikulo sa pahina 18.
Ang Bantayan Abril 1
“Gusto kong malaman ang opinyon mo sa sinabing ito ni Jesus. [Basahin ang Juan 3:3.] Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng maipanganak muli, o born again? [Hayaang sumagot.] Ang tumpak na kaunawaan sa sinabing ito ni Jesus ay makaaapekto sa ating buhay at sa pag-asa natin sa hinaharap. Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit.”
Gumising! Abril
“Maraming batang pumapasok sa eskuwela ang dumaranas ng stress. Sa tingin mo, mas hiráp kaya ang mga bata ngayon kumpara noong panahon ng mga magulang nila? [Hayaang sumagot.] Nakakasamâ ang sobrang stress. [Basahin ang Eclesiastes 7:7a.] Tinatalakay sa magasing ito kung paano matutulungan ng mga adulto ang mga bata na makayanan ang stress.”