Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/09 p. 3
  • Gamiting Mabuti ang Ating mga Publikasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gamiting Mabuti ang Ating mga Publikasyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Kaparehong Materyal
  • May-Katalinuhang Gamitin ang Ating Salig-Bibliyang mga Literatura
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Gamiting Mabuti Ang Bantayan at Gumising!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Gamitin ang mga Ito sa Halip na Matambak
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Magtakda ng Panahon Para sa Gawain sa Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
km 5/09 p. 3

Gamiting Mabuti ang Ating mga Publikasyon

1. Paano natin matutularan si Jesus sa pagpapahalaga sa mga paglalaan ni Jehova?

1 Matapos na makahimalang pakainin ni Jesus ang isang malaking pulutong, iniutos niyang tipunin ang natirang pagkain. (Mat. 14:19-21) Ang mainam na halimbawang ito ng pagpapahalaga sa mga paglalaan ni Jehova ay tutulong sa atin na maging “mapagpasalamat.” Maipapakita natin ito kung gagamitin nating mabuti ang lahat ng inilaan ni Jehova sa pamamagitan ng “tapat na katiwala.”​—⁠Col. 3:15; Luc. 12:42; Mat. 24:45-47.

2. Paano natin maiiwasang maipunan ng mga magasin?

2 Magasin: Kung hindi natin ipapamahagi ang mga magasin, madali itong maiipon sa atin. Kung madalas na may natitira tayong mga magasin, dapat nating bawasan ang order natin. Paano naman ang mga lumang magasin? Kahit matagal nang naimprenta ang mga ito, maaari pa ring masiyahan ang mga tao sa mga artikulo nito. Kung marami tayong lumang magasin, maaari tayong tulungan ng tagapangasiwa sa paglilingkod o ng ibang elder na humanap ng mahusay na mga paraan ng pamamahagi nito.

3, 4. Ano ang dapat nating tandaan kapag kumukuha ng mga publikasyon sa Kingdom Hall?

3 Ibang Publikasyon: Kapag nagpalit ng alok na literatura, tingnan muna kung mayroon ka nang mga kopya nito na puwedeng ipamahagi bago kumuha ng karagdagang mga kopya sa Kingdom Hall. Tiyakin na ang dami ng kukuning kopya ay ang maipapamahagi mo lamang sa linggong iyon. Kumuha na lamang muli kapag naipamahagi na ang mga ito.

4 Para sa personal mong kopya ng mga publikasyon, umorder lamang ng talagang kailangan mo. Isulat sa mga ito ang iyong pangalan. Sa gayon, puwede itong maisauli sa iyo kapag nawala. Kung mayroon kang Watchtower Library sa CD-ROM at may file ka rin ng mga magasin, baka hindi mo na kailangang umorder ng mga tomo ng Bantayan at Gumising!

5. Ano ang dapat tandaan kapag nagpapasakamay tayo ng mga publikasyon?

5 Pagpapasakamay ng mga Publikasyon: Ibinibigay lamang natin ang ating mga publikasyon sa mga nagpapakita ng tunay na interes. Tandaan na tayo ang pangunahing may pananagutan sa pagbibigay ng donasyon sa mga publikasyong ipinamamahagi natin sa larangan. Kapag nag-iiwan ng publikasyon sa mga interesado, huwag mag-atubiling sabihin na mayroon silang pribilehiyong sumuporta sa pambuong-daigdig na gawain sa pamamagitan ng kanilang donasyon.

6. Bakit napakahalaga ng ating mga publikasyon? Ano ang dapat nating gawin sa mga ito?

6 Makahimalang naglaan si Jesus ng pagkain sa mga tao, pero mas madalas siyang maglaan ng espirituwal na pagkain. Sinabi ni Jesus: “Ang tao ay mabubuhay, hindi sa tinapay lamang, kundi sa bawat pananalitang lumalabas sa bibig ni Jehova.” (Mat. 4:4) Ang mga publikasyon natin ay nagtuturo ng mga katotohanan mula sa Bibliya na napakahalaga para matamo ang buhay na walang hanggan. (Juan 17:3) Talagang dapat nating pahalagahan ang mga ito!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share