Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/10 p. 1
  • Mangaral Nang May Pagkaapurahan!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mangaral Nang May Pagkaapurahan!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Kaparehong Materyal
  • Panatilihin ang Pagkadama ng Pagkaapurahan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Ingatan ang Inyong Pagkadama ng Pagkaapurahan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Kung Paano Lilinangin ang Pagkadama ng Pagkaapurahan sa Pangangaral
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • “Ang Dakilang Araw ni Jehova ay Malapit Na”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
km 8/10 p. 1

Mangaral Nang May Pagkaapurahan!

1. Anong payo ni Pablo ang dapat nating bigyang-pansin sa ngayon?

1 “Ipangaral mo ang salita, maging apurahan ka rito.” (2 Tim. 4:⁠2) Bakit napakahalaga sa ngayon ng payong ito ni Pablo? Ano ang maaaring maging epekto nito sa ating buhay at sa buhay ng iba?

2. Bakit matiyaga nating hinahanap ang mga hindi pa nakaririnig ng mabuting balita?

2 Buhay ang Nakataya: Milyun-milyon sa daigdig ang hindi pa nakaririnig ng mabuting balita na makapagliligtas sa kanila. (Roma 10:​13-15; 1 Tim. 4:16) Maraming tapat-pusong mga tao ang nasusumpungan sa mga teritoryong madalas gawin. Kung dadalaw tayo sa ibang araw o oras, baka matagpuan natin sila. Kung matiyaga tayong maghahanap, magkakaroon tayo ng malinis na budhi at hindi tayo magkakasala sa dugo.​—⁠Gawa 20:⁠26.

3. Paano natin magagamit sa matalinong paraan ang ating panahon sa ministeryo?

3 Kahit na dumanas ng marahas na pagsalansang ang unang-siglong mga Kristiyano, ‘pinunô pa rin nila ng kanilang turo ang Jerusalem.’ (Gawa 5:28) Gaya nila, determinado rin ba tayong “lubusang magpatotoo”? (Gawa 10:42) Kapag nasa ministeryo, may-katalinuhan ba nating ginagamit ang panahon? Habang hinihintay natin ang ating mga kasama, kinakausap ba natin ang mga taong dumaraan?

4. Paano nakatutulong ang pangangaral nang may pagkaapurahan para patuloy tayong makapagbantay?

4 Lalo Tayong Nagiging Alisto: Yamang malapit nang magwakas ang sistemang ito ng mga bagay, dapat na manatili tayong alisto at patuloy na nagbabantay. (1 Tes. 5:​1-6) Kapag lagi nating sinasabi sa iba ang ating pag-asa sa Kaharian, hindi tayo mapabibigatan ng sistemang ito ng mga bagay. (Luc. 21:​34-36) At habang iniingatan nating “malapit sa isipan” ang araw ni Jehova, nauudyukan tayong higit na makibahagi sa nagliligtas-buhay na gawaing pangangaral.​—⁠2 Ped. 3:​11, 12.

5. Paano nakaaapekto sa ating pangangaral ang paggalang sa buhay?

5 Kapag nangangaral tayo nang may pagkaapurahan, tinutularan natin ang pangmalas ni Jehova sa buhay: “Hindi niya nais na ang sinuman ay mapuksa kundi nais niya na ang lahat ay makaabot sa pagsisisi.” (2 Ped. 3:9; Ezek. 33:11) Para sa kapurihan ni Jehova, maging tunguhin sana nating mapangaralan ang pinakamaraming tao sa ating teritoryo!​—⁠Awit 109:⁠30.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share