Kung Paano Lilinangin ang Pagkadama ng Pagkaapurahan sa Pangangaral
Kailangan nating linangin ang pagkadama ng pagkaapurahan; mahalaga ito para makaligtas sa katapusan ng sistemang ito ng mga bagay. Mapatitindi natin ang ating pagkadama ng pagkaapurahan kung susundin natin ang sumusunod na mga paalaala.
Regular na manalangin tungkol sa Kaharian.—Mat. 6:10.
Ingatan ang iyong puso sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya araw-araw.—Heb. 3:12.
Gamitin ang iyong panahon nang may katalinuhan.—Efe. 5:15, 16; Fil. 1:10.
Panatilihing “simple,” o nakapokus, ang iyong mata. Huwag hayaang mailihis ka ng makasanlibutang pagnanasa.—Mat. 6:22, 25; 2 Tim. 4:10.
Patuloy na magbantay sa pamamagitan ng pagiging alisto sa mga katuparan ng hula sa Bibliya.—Mar. 13:35-37.
Ang pagkadama ng pagkaapurahan ay mag-uudyok sa atin na lubusang makibahagi sa gawaing kailangang tapusin.—Juan 4:34, 35.