Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/10 p. 4
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Kaparehong Materyal
  • Pagtangkilik sa mga Payunir
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Pagpapahalaga sa Ating mga Payunir
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Paalaala sa Kalihim at sa Tagapangasiwa sa Paglilingkod
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Ang mga Pagpapala ng Pagpapayunir
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
km 11/10 p. 4

Tanong

◼ Anu-anong praktikal na tulong ang maibibigay natin sa mga payunir?

Noong 2009 taon ng paglilingkod, halos 800,000 kapatid sa buong daigdig ang naglingkod bilang regular at special pioneer. Isinakripisyo ng mga buong-panahong lingkod na ito ang unang bunga ng kanilang oras, lakas, at materyal na tinatangkilik para mapalaganap ang mabuting balita. (Kaw. 3:9) Tiyak na nalulugod si Jehova sa pagsisikap nila! Sa anu-anong paraan natin matutularan ang pangmalas ni Jehova at paano natin sila matutulungang maging maligaya at makapagbata sa paglilingkod?

Ang mga salitang pinag-isipang mabuti ay tiyak na makapagpapatibay sa kanila na magpatuloy sa pagpapayunir. (Kaw. 25:11) Puwede ba nating i-adjust ang ating lingguhang iskedyul para masamahan sila sa ministeryo? Kung kasama natin sila sa ministeryo, puwede natin silang isakay sa ating sasakyan, o ilibre sila sa pamasahe. At kung tayo naman ang makikisakay sa kanila, maaari tayong magbigay ng panggasolina. (1 Cor. 13:5; Fil. 2:4) Maipapakita rin nating nagmamalasakit tayo sa kanila kung magiging mapagpatuloy tayo at paminsan-minsa’y aanyayahan silang kumain sa ating bahay.—1 Ped. 4:8, 9.

Tinitiyak ng Bibliya na ilalaan ni Jehova ang pangangailangan ng mga nagsisikap na unahin ang kaniyang Kaharian. (Awit 37:25; Mat. 6:33) Isa sa mga ginagamit niya ay ang Kristiyanong kapatiran. (1 Juan 3:16-18) Siyempre, hindi naman inaasahan ng mga payunir na sasagutin ng iba ang kanilang gastusin. Pero baka hindi naman sila magsabi kung medyo kapos na sila. Gayunman, kung alisto tayo at marunong makiramdam, matutulungan natin sila at ‘mapupunan ang kanilang kakulangan.’—2 Cor. 8:14, 15.

Nang maglakbay patungong Roma si Febe, isang masigasig na ebanghelisador sa unang-siglong Kongregasyon ng Cencrea, hinimok ni Pablo ang mga kapatid sa Roma: “Tanggapin ninyo siya sa Panginoon sa paraang karapat-dapat sa mga banal, at . . . tulungan ninyo siya sa anumang bagay na kakailanganin niya kayo.” (Roma 16:1, 2) Maipapakita rin natin ang gayong maibiging suporta sa ating mga regular at special pioneer na walang humpay sa paghahayag ng mabuting balita.—Gawa 5:42.

◼ Tama bang magdispley ng malaking larawan ni Jesus sa pagdiriwang ng Memoryal?

Para sa mga tunay na Kristiyano, ang mga larawan ng mga eksena at tauhan sa Bibliya ay ginagamit lamang bilang displey o visual aid sa pagtuturo. Hindi natin ginagamit ang mga ito sa pagsamba kay Jehova. (2 Cor. 5:7; tingnan ang The Watchtower, May 15, 1972, pahina 295-296.) Ang ilang Kingdom Hall ay nagdidispley ng magagandang eksena sa Bibliya, at wala namang masama sa mga ito.

Gayunman, kapag ginugunita natin ang Hapunan ng Panginoon, hindi angkop na magdispley ng larawan ni Jesus para sa okasyong iyon. Ang pokus sa okasyong iyon ay dapat na nasa mga emblema at sa pahayag na bibigkasin. Gusto rin nating isaalang-alang ang mga baguhang dumalo, na maaaring ang ilan ay magtuon ng pansin sa larawan ni Jesus, o maging deboto pa nga nito, dahil sa kanilang mga relihiyosong paniniwala o kinagisnan. Sa Roma kabanata 14 at 1 Corinto kabanata 10, ipinakita ni apostol Pablo ang pangangailangang igalang ang budhi ng iba, maging ang mga sensitibo dahil sa kanilang mga kinagisnan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share