Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/11 p. 1
  • Maging “Mahabagin na May Paggiliw”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging “Mahabagin na May Paggiliw”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Kaparehong Materyal
  • Maging “Mahabagin na May Paggiliw”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Maging Magiliw at Madamayin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Tularan ang Pagkamahabagin ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • Namamahala si Jehova Taglay ang Pagkamadamayin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
km 7/11 p. 1

Maging “Mahabagin na May Paggiliw”

1. Ano ang matinding pangangailangan ng mga tao sa ngayon?

1 Ngayon lamang nararanasan ng napakaraming tao ang matinding pangangailangan para sa mahabaging tulong. Dahil sa lumalalang kalagayan sa daigdig, maraming tao ang dumaranas ng kalungkutan, depresyon, at kawalan ng pag-asa. Milyun-milyon ang nangangailangan ng tulong, at bilang mga Kristiyano, nasa kalagayan tayo na magpakita ng tunay na pagmamalasakit sa ating kapuwa. (Mat. 22:39; Gal. 6:10) Paano natin maipakikita ang gayong pagmamalasakit?

2. Ano ang pinakamabuting paraan upang ipakita natin ang pagkamahabagin?

2 Isang Gawaing Nagpapakita ng Habag: Ang Diyos ang tanging pinagmumulan ng tunay at nagtatagal na kaaliwan. (2 Cor. 1:3, 4) Hinihimok tayo ni Jehova na maging “mahabagin na may paggiliw” gaya niya at inatasan niya tayo na ibahagi sa ating kapuwa ang mabuting balita ng Kaharian. (1 Ped. 3:8) Ang aktibo nating pakikibahagi sa gawaing ito ang pinakamabuting paraan upang aliwin “ang may pusong wasak,” sapagkat ang Kaharian ng Diyos ang tanging tunay na pag-asa para sa nagdurusang sangkatauhan. (Isa. 61:1) Dahil sa pagkamahabagin ni Jehova sa kaniyang bayan, malapit na niyang alisin ang labis na kasamaan at itatag ang matuwid na bagong sanlibutan.—2 Ped. 3:13.

3. Paano natin matutularan ang pangmalas ni Jesus sa mga tao?

3 Tularan ang Pangmalas ni Jesus sa mga Tao: Kahit nangangaral sa maraming tao, hindi sila itinuturing ni Jesus na basta isang grupo lamang. Itinuring niya sila bilang mga indibiduwal na nangangailangan ng espirituwal na tulong. Tulad sila ng mga tupa na walang pastol na aakay sa kanila. Naantig si Jesus sa nakita niya kaya matiyaga niya silang tinuruan. (Mar. 6:34) Kung tutularan natin ang pangmalas ni Jesus sa mga tao, pakikilusin tayo nito na magpakita ng tunay na pagkahabag sa kanila bilang mga indibiduwal. Makikita ito sa tono ng ating boses at ekspresyon ng mukha. Magiging pangunahin sa atin ang pangangaral, at ibabagay natin ang ating mga salita sa ikinababahala ng bawat isa.—1 Cor. 9:19-23.

4. Bakit dapat nating damtan ang ating sarili ng pagkamahabagin?

4 Isang malaking pulutong ng mga tao mula sa lahat ng bansa ang positibong tumutugon sa mensahe ng Kaharian at sa taimtim na interes na ipinakikita sa kanila. Habang patuloy nating dinaramtan ang ating sarili ng pagkamahabagin, mapararangalan at mapalulugdan natin ang ating mahabaging Diyos na si Jehova.—Col. 3:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share