Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Mayo
“Sa tingin mo, nakabubuti ba o nakasasama ang relihiyon? [Hayaang sumagot.] May ipakikita akong magandang paksa tungkol dito.” Iabot sa may-bahay ang Mayo 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16 at kahit isang teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka upang talakayin ang kasunod na tanong.
Ang Bantayan Mayo 1
“Marami ang naniniwalang dapat makisangkot ang relihiyon sa pulitika, pero iniisip naman ng iba na hindi dapat pagsamahin ang relihiyon at ang pulitika. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang naging reaksiyon ni Jesus nang gustuhin ng mga tao na isangkot siya sa pulitika noong panahon niya. [Basahin ang Juan 6:15.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit ganoon ang naging tugon ni Jesus. Tinatalakay rin nito kung ano ang pinakamabuting paraan para makatulong ang mga Kristiyano sa kanilang komunidad.”
Gumising! Mayo
“Halos lahat ng nakausap namin ay nakaranas na ng kawalang-katarungan. Sa palagay mo, malulutas ba ang kawalang-katarungan? [Hayaang sumagot.] Pansinin mo ang hulang ito tungkol sa isang tagapamahala na mag-aalis ng kawalang-katarungan. [Basahin ang Awit 72:11-14.] Tinatalakay ng magasing ito ang pangako ng Bibliya na magkakaroon ng katarungan sa daigdig.”