Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Hunyo
Basahin ang Isaias 42:8. Pagkatapos ay sabihin: “Ayon dito, may pangalan ang Diyos. Sa palagay mo, mahalaga bang gamitin natin ang pangalan ng Diyos? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi rito.” Iabot sa may-bahay ang Hunyo 1 ng Bantayan, at magkasamang talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para pag-usapan ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Hunyo 1
“Gusto naming malaman ang opinyon mo tungkol sa isang mahalagang paksa. [Buksan sa pahina 3, at ituro ang listahan.] Alin dito ang opinyon mo tungkol sa Bibliya? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi mismo ng Bibliya. [Basahin ang Roma 15:4.] Tinatalakay ng magasing ito ang limang dahilan kung bakit natatangi ang Bibliya at kung paano tayo makikinabang dito.”
Gumising! Hunyo
“Sa bawat taon, milyun-milyon sa buong mundo ang nagkakasakit dahil sa di-ligtas na pagkain. Sa palagay mo, gaano kaligtas ang pagkain sa ating lugar? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang apat na paraan para maiwasang magkasakit ang pamilya dahil sa mga kinakain. Tinatalakay rin nito ang pangako ng Bibliya na malapit nang magkaroon ang lahat ng sagana at masustansiyang pagkain.” Basahin ang Awit 104:14, 15.