Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/13 p. 4
  • Sampol na Presentasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sampol na Presentasyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
km 5/13 p. 4

Sampol na Presentasyon

Para makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Hunyo

“Halos lahat ng nakakausap namin, gustong makitang mapayapa ang buong daigdig. Pero may mga digmaan pa rin. Sa tingin mo, bakit nga ba parang imposibleng magkaroon ng kapayapaan sa buong daigdig?” Hayaang sumagot. Saka ipakita ang artikulo sa huling pahina ng Hunyo 1 ng Bantayan, at talakayin ang sagot sa unang tanong at kahit isang tekstong nabanggit. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang kasunod na tanong.

Paalaala: Dapat itong itanghal sa pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan sa Hunyo 1.

Ang Bantayan Hunyo 1

“Dumadalaw kami sa lugar ninyo para ipakipag-usap ang tungkol sa isang karaniwang problema. Halos lahat ng tao sa ngayon ay nakaranas na ng pagtatangi. Sa tingin mo, may lugar pa ba sa daigdig kung saan pantay-pantay ang tingin sa mga tao? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang pangmalas ng Diyos sa lahat ng tao. [Basahin ang Gawa 10:34.] Tinatalakay sa magasing ito kung ano ang gagawin ng Diyos para matigil na ang pagtatangi.”

Gumising! Hunyo

“Gusto naming malaman ang opinyon mo. Natural lang na gusto nating magkaroon ng magandang buhay. Sa tingin mo, mas maganda kaya talaga ang buhay natin kung mas marami tayong nabibili? [Hayaang sumagot.] Tingnan mo ang sinabi ni Jesus. [Basahin ang Lucas 12:15.] Ipinakikita ng magasing ito ang timbang na pananaw sa materyal na mga pag-aari, at may mga mungkahi rin dito kung paano makokontrol ang paggastos.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share