Sampol na Presentasyon
Para makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Oktubre
“Dumadalaw kami sandali dito sa inyo ngayon. Marami sa nakausap namin ang nagsabing ang pinakamahirap na sitwasyong kinaharap nila ay ang mamatayan ng mahal sa buhay. Ganiyan din ba ang opinyon mo? [Hayaang sumagot.] Baka makatulong ito sa iyo.” Ipakita ang huling pahina ng Oktubre 1 ng Bantayan, at talakayin ang unang tanong at kahit isa sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Oktubre 1
“Dumadalaw kami sandali para pasiglahin ang mga tao na magbasa ng Bibliya. Alam namin na ang ilan ay interesado sa Bibliya, ang iba naman ay hindi. Ikaw? [Hayaang sumagot.] Ito ang tuwirang sinasabi ng Bibliya. [Basahin ang 1 Tesalonica 2:13.] Tiyak na sasang-ayon ka na kung ang Bibliya ay galing sa Diyos, dapat itong basahin. Tinatalakay sa magasing ito ang nilalaman ng Bibliya at kung bakit dapat tayong maging interesado rito.”
Gumising! Oktubre
“Sa tingin mo, posible kaya tayong maging kontento kahit hindi tayo mayaman? [Hayaang sumagot.] Pansinin mo ang sinasabi ng Bibliya. [Basahin ang 1 Timoteo 6:8.] Tinatalakay sa magasing ito ang timbang na pangmalas sa materyal na mga bagay at ang tatlong mahahalagang bagay na hindi mabibili ng pera.”